Sa edad na 52 years old, walang kupas pa rin ang ganda ni Dawn Zulueta kahit ipinakita na niya ang kaniyang gray hair

Sa edad na 52 years old ay wala pa ring kupas ang kagandahan ng aktres na si Dawn Zulueta sapagkat hanggang ngayon ay young looking pa rin ito at sobrang mesmerizing pa rin ng kaniyang beauty. Ang tanging nag-iba lamang sa kaniyang itsura ay ang kaniyang buhok kung saan hinayaan na niya itong hindi kulayan upang mapakita ang kaniyang gray hairs na bumagay pa rin sa kaniyang look.


Image source: Instagram/dawnzulueta

Sa katunayan, bago pa man sumapit ang kaniyang kaaraawan ay nagkaroon ng photoshoot si Dawn kung saan ginaya niya ang ilang paboritong karakter sa Netflix na tila ba bumenta sa social media dahil kuhang-kuha niya ang aura ng mga ito. Ang panood kasi ng kaniyang favorite tv shows ang naging libangan ni Dawn buong quarantine lalo na at madalas ay nasa bahay lamang ang aktres.


Image source: Instagram/dawnzulueta


Image source: Instagram/dawnzulueta

Kaya naman sa loob ng mahigit isang taon na pag-rereflect simula noong lock down ay maraming realizations si Dawn sa kaniyang buhay at malaki ang kaniyang pasasalamat sapagkat healthy pa rin siya ngayon at umabot sa edad na 52 years old.


Image source: Instagram/dawnzulueta

“A year ago today, I had no idea that in just a matter of days the world would turn itself inside out due to the pandemic. I had a whole year to reflect deeper about how precious life is as we wept with those who lost their battles and stood strong with those who still fight.


Image source: Instagram/dawnzulueta

“In one year, I got to re-evaluate myseld and my priorities. A full year of sifting and shaking so that I am only left with what matters most. I thank every one of you, who even through SocMed, gave a kind word of support, encouragement, a word of peace and love. Thank you for helping me get through the year that was.”


Image source: Instagram/dawnzulueta

Sa pamamagitan ng social media ay nagpasalamat si Dawn sa Panginoon dahil sa panibagong taon na nadagdag sa kaniyang buhay at pati na rin sa kalakasan na kaniyang taglay.


Image source: Instagram/dawnzulueta

Ibinahagi rin niya na sa loob ng halos isang taon na pakikibaka sa pinagdadaanan nating pandemiya ay marami siyang natutunan ay mas lalong nakita kung ano ba talaga ang mahahalagang bagay sa ating buhay. Ito rin ang panahon na ginamit ni Dawn upang masuri ang sarili at magmuni-muni patungkol sa maari niyang maibahagi upang makatulong sa mga taong naghihirap dahil sa krisis ng bansa.


Image source: Instagram/dawnzulueta

Ginamit niya rin ang social media upang pasalamatan ang mga taong sa kaniya ay patuloy na sumusuporta at ngayon nga ay naalala ang araw na espesyal sa kaniya.


Image source: Instagram/dawnzulueta
Image source: Instagram/dawnzulueta

Samantala, ibinahagi rin ni Dawn na ginawa niya ang pag-awra at paggaya sa mga artistang bida sa mga international na pelikula upang mabawasan ang pagkabagot sa loob ng bahay.


Image source: Instagram/dawnzulueta


Image source: Instagram/dawnzulueta

Mainam na paraan din ito upang magamit ang kaniyang mga make-up at ilang kasuotan kahit na hindi makalabas dahil sa malawakang pagpapatupad ng quarantine. Sa ganitong paraan ay nakapaghatid din siya ng kasiyahan sa kaniyang mga fans.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *