Ryzza Mae Dizon, Ipinakita ang loob ng kaniyang napakalaking Three Storey House

Nag-umpisang makilala ang bibong bata na si Ryzza Mae Dizon nang manalo siya bilang Little Miss Philippines sa Eat Bulaga noong taong 2012. Dahil nga sa angking talento ay agad siyang nabigyan ng mga proyekto at nagtuloy-tuloy na ang pagtatrabaho sa Kapuso network.


Image source: Instagram/ryzzamaedizon_

Kaya naman, sa murang edad pa lang ay naging breadwinner na si Ryzza at masaya siya dahil nakikita niyang umuunlad ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na gusto niya.


Image source: Youtube/ryzza mae dizon

Sa ngayon ay marami nang naipundar na negosyo ang 15-taong gulang na dalaga at isa na dito ang Ryzza Mae’s Internet Shop na ngayon ay pansamantalang nakasara dahil sa pandemiya.


Image source: Instagram/ryzzamaedizon_

Samantala, kamakailan lang ay tuwang-tuwa ang kaniyang mga tagahanga dahil sa wakas ay pinagbigyan nito ang matagal ng hiling na “house tour vlog”.


Image source: Youtube/ryzza mae dizon

Sa kaniyang Youtube channel na ngayon ay mayroon ng umaabot sa mahigit na 242k subscribers ay inilibot ni Ryzza ang mga netizens sa naipundar nitong tatlong palapag at 200 sqm na townhouse.


Image source: Youtube/ryzza mae dizon

Pagpasok pa lang ng gate ay makikita agad ang kulay itim na Fortuner katabi ang ilang gamit na mula sa internet shop. Maaliwalas ang loob ng bahay ni Ryzza at kahit hindi ganoon ka-lawak ang espasyo ay maganda pa rin ang pagkaka-ayos nito.


Image source: Youtube/ryzza mae dizon


Image source: Youtube/ryzza mae dizon

Kulay puti at itim ang naging tema ng bahay at sa kanilang sala ay doon makikita ang mga awards na kaniyang natanggap. Katabi naman nito ang kanilang dining area at kusina kung saan madalas gumawa ng cooking vlogs ang kaniyang ina na si Mommy Rizza.


Image source: Youtube/ryzza mae dizon

Maliban dito ay mayroon din silang dirty kitchen na matatagpuan sa bandang labas ng bahay pati na rin ang kanilang mini-garden.


Image source: Youtube/ryzza mae dizon


Image source: Youtube/ryzza mae dizon

Sa ikalawang palapag naman ay naroon ang kwarto ni Ryzza na bagong renovate at ginawang kulay pink ang buong pader nito. Mayroon din siyang computer area dito na siyang ginagamit niya sa online class at para mag-live sa Eat Bulaga.


Image source: Youtube/ryzza mae dizon


Image source: Instagram/ryzzamaedizon_

Samantala, ang espasyo sa labas nito ay ginawa nilang mini-sala na siyang madalas rin nilang pagtambayan. Ang ikatlong palapag naman ay mayroong dalawang kwarto at ang isa dito ay para sa kaniyang mga magulang at ang isa ay para sa kaniyang ate at bunso na si Nathan.


Image source: Youtube/ryzza mae dizon


Image source: Youtube/ryzza mae dizon

Masasabi ngang maganda na ang buhay ngayon ng batang si Ryzza Mae at marami ang patuloy na humahanga sa kaniya dahil sa kabila ng karangyaan sa buhay ay nananatili siyang mapagpakumbaba at nagiging inspirasyon sa kaniyang kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *