Kahanga-hanga ang ugali na mayroon si Ryan Bang kaya naman hindi nakakapagtaka na tumagal siya sa mundo ng show business. Kahit nga walang gaanong kakilala sa Pilipinas at isang banyaga sa bansa ay malugod siyang tinanggap ng mga Pilipino dahil sa kagandahan ng kaniyang pag-uugali.
Image source: Instagram/ryanbang
Sa ngayon ay sunod-sunod ang mga proyekto na kaniyang ginagawa at sa katunayan ay isa siya sa mga lead actors ng bagong pelikula na “Mommy Issues”. Gaganap siya bilang love interest ng batikang komedyante na si Pokwang at talaga namang nagpapasalamat ng marami sa panibagong blessing sa kaniyang showbiz career.
Image source: Instagram/ryanbang
Samantala, sa kabila ng masayahing mukha sa harapan ng camera ay mayroon ding lungkot na nadarama ang aktor. Ibinahagi niya sa isang panayam na nami-miss na niya ang kaniyang ina na si Mommy Shin Myeong-ja dahil malayo ito at naninirahan pa rin sa South Korea.
Image source: Youtube/ryanbang
Ayon kay Ryan, pinalaki siya ng kaniayng single-mom kaya naman ganoon nalang ang pagmamahal na nais niyang maibalik sa kaniyang pinakamamahal na Nanay.
Image source: Youtube/ryanbang
Sa katunayan, noon pa man ay hindi na siya tumitigil sa pagpapadala ng cash allowance kay Mommy Shin simula nang magkaroon siya ng trabaho sa Pilipinas. Isa ito sa mga paraan ni Ryan para maipakita ang pagmamahal sa kaniyang ina na ngayon ay mag-isa na sa buhay.
Image source: Instagram/ryanbang
Samantala, ibinahagi rin ng aktor na noong una ay hindi siya pabor na magkaroon ng boyfriend ang kaniyang Mommy ngunit hindi nagtagal ay naunawaan niya na kailangan nito ng partner sa buhay. Lubos nga siyang nalungkot nang malaman na hiwalay na pala ang dalawa at nakita niya na malaki ang naging epekto nito sa kaniyang ina.
Image source: Youtube/ryanbang
Kaya naman, kapag may mga pagkakataon na tumatawag ito at nangangamusta ay talaga namang naglalaan si Ryan ng sapat na oras para maka-usap ang ina.
Image source: Instagram/ryanbang
Minsan ay naglalambing din ito at sinasabing nade-depress siya at kailangan niya ng gamot. Ngunit hindi man direktang sinasabi ay alam na ni Ryan na deposit sa bank account ang tinutukoy ng ina na gamot.
Image source: Youtube/ryanbang
Talaga namang kwela ang relasyon ng mag-ina at nakapa-sweet nila sa isa’t isa. Sa ngayon nga ay wala pang espesyal na babae sa buhay ni Ryan kundi ang kaniyang Mommy Shin pa lang.