Rufa Mae Quinto, Ipinakita ang loob ng kaniyang bagong bahay sa Abroad

Nakaka-aliw na ibinahagi ng aktres at komedyanteng si Rufa Mae Quinto sa kaniyang bagong youtube vlog ang bago nilang bahay na nabili sa Amerika. Kasalukyan kasi na nasa ibang bansa ang mag-ina at hindi pa din nakakauwi ng Pilipinas kaya naman naisipan nila kumuha na ng bagong bahay doon.


Image source: Instagram/Rufamaequinto

Sa ginawa nitong “house todo-na-tour vlog” ay kapansin-pansin ang malawak na espasyo nito lalo na at wala pang gaanong kagamitan sa loob. Naging maaliwalas rin tingnan ng kongkretong bahay dahil sa puting pintura nito.


Image source: Instagram/Rufamaequinto


Image source: Instagram/Rufamaequinto

Samantala, mayroon ng ilang appliances sa loob kagaya ng refrigerator at kumpleto na rin ang mga gamit ni Rufa sa kusina. Sa pagiikot-ikot naman ng mag-ina ay ipinakita nila ang Master’s bedroom at sariling kwarto ng anak ni Ruffa na si Athena kung saan nandoon ang kaniyang mga laruan at magiliw rin itong nakikisabay sa kakulitan ng kaniyang ina.


Image source: Instagram/Rufamaequinto
Image source: Instagram/Rufamaequinto

Hindi nga maitago ang saya ng aktres sa biyayang ito at lubos na nagpasalamat sa kaniyang mapag-mahal na asawang si Trevor Magallanes dahil kita niya kung gaano ito kasipag magtrabaho para maibigay ang higit pa sa pangangailangan ng kanilang pamilya.


Image source: Instagram/Rufamaequinto


Image source: Instagram/Rufamaequinto

Excited na rin siyang mamili ng mga gamit upang tuluyan ng maayos ang interior design ng kanilang bahay kaya naman nagpasama ito sa kaniyang kaibigan na siya na ring naging driver nilang mag-ina.


Image source: Instagram/Rufamaequinto

Matatandaang ikinasal sina Rufa at Trevor noong November 2016 at makalipas ang isang taon ay nabiyayaan ng napaka-gandang anak na si Athena. Long-distance kung tawagin ang naging relasyon ng mag-asawa dahil kinailangang bumalik agad ni Trevor sa ibang bansa para mag-trabaho. Ganoon pa man, hindi nabuwag ang kanilang pagsasama at patuloy na nangarap para sa ikagiginhawa ng kanilang pamilya.

Sa kabutihang palad ay nakaluwas ng bansa ang mag-ina noong nakaraang taon bago pa man nagkaroon ng malawakang lockdown dahil sa pandemiya. Sa California na nga sila namalagi kasama ang asawa at na-enjoy ang bagong buhay sa bago nilang bahay.


Image source: Instagram/Rufamaequinto

Image source: Instagram/Rufamaequinto

Maraming netizens ang natuwa sa balitang ito dahil kahit na malayo na sa bansa ang idolo nilang komedyante ay lagi pa rin itong nagbabahagi ng kaniyang kwento sa sarili niyang Youtube channel.


Image source: Instagram/Rufamaequinto

Samantala, ibinahagi rin ng aktres sa social media kung ano ang sikreto nilang mag-asawa kung papaano nila napagtagumpayan ang matagal na long-distance relationship. Tiwala ang pangunahing dahilan kaya naging matibay ang kanilang relasyon at ang pagkakaroon nila ng regular na komunikasyon sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *