RR Enriquez, Ibinahagi ang pagkakamali sa pagbili ng milk tea na umabot ng 6 milyon pesos

Isang bagay na napakahirap sa pagnenegosyo ay wala itong kasiguraduhan na maganda ang magiging takbo nito at magiging successful ito balang araw subalit marami pa rin sa atin ang pinapasukan ang pagnenegosyo upang mas umasenso sa buhay kahit na malaki ang tyansang malugi ito. Kaya naman hindi dapat tayo pagbugso bugso sa pagpapatayo ng sarili nating negosyo upang hindi tayo magsisi sa huli.


Image source: Instagram/rr.enriquez

Katulad na lamang ng artista at dating game show host na si si RR Enriquez na kamakailan lamang ay ibinahagi ang kaniyang pagkakamali bilang isang negosyante dahil sa pagbili ng libu-libong kahon ng milktea na produkto.


Image source: Instagram/rr.enriquez

Ayon kay RR inakala niya na magiging patok rin ang inuming ito kagaya ng mabentang kape na tinawag niyang Cryolipo Coffee by Rejuva na madalas ay nauubos kaagad. Kaya naman, agad siyang nagdesisyon na bumili ng napakaraming milktea dahil ayaw niyang maubusan ng stocks na hindi naman pala niya alam kung gaano kalakas ang magiging demand nito sa kaniyang mga pagbebentahan.


Image source: Instagram/rr.enriquez

Hindi alintana ng host ang nagastos na pera dahil para sa kaniya, mabilis naman itong maibabalik sa pag-asang papatok din ito sa mga Pilipino. Kaya naman, nang dumating ang order ay tuwang-tuwa si RR at halos hindi na makapag-antay na ibahagi ito sa kaniyang mga suki. Ngunit di nagtagal ay napawi kaagad ang kaligayahang ito nang malaman na hindi pala siya ganoon kabenta sa masa lalo na at marami na rin ang nagbebenta ng ganitong produkto.


Image source: Instagram/rr.enriquez

…I ordered 50 thousand pieces of Milk tea which cost me 6 million pesos. Yes not bragging I’m just being honest lang because I want to share with all of you the mistakes that I made during this pandemic… Natakot kasi ako na maubusan. Dahil 2 months bago madeliver ang products.”


Image source: Instagram/rr.enriquez

Sa kaniyang Instagram post ay nagbigay ng payo si RR at sinabing pagdating sa negosyo ay huwag maging pabigla-bigla sa paggawa ng desisyon upang hindi matulad sa kaniya at hindi masayang ang puhunan.


Image source: Instagram/rr.enriquez

“I can use that money to buy another products but because of the mistake ayan NGANGA! So sa mga nagbabalak mag business huwag muna kayo umorder ng napakadami try 5 thousand pieces muna. Ok lang maghintay ng 2months kesa matulog ang pera mo ng ilang months.”


Image source: Instagram/rr.enriquez

Sa unang nagsisisi ito sa kaniyang maling ginawa subalit sa halip na manlumo ay gumawa na lamang siya ng social media post upang magsilbing babala sa mga netizens at kapwa negosyante na maging wise pagdating sa iyong ibebenta.


Image source: Instagram/rr.enriquez


Image source: Instagram/rr.enriquez

Sa kabila ng nangyari ay tuloy pa rin sa pagnenegosyo ang host at sa katunayan ay lagi itong abala sa pag-aasikaso ng kaniyang ibang mga negosyo na sinimulan niya noong taong 2012 kasama ang boyfriend na si Jayjay Helterbrand.


Image source: Instagram/rr.enriquez

Talaga namang hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari sa isang negosyo. Ang mahalaga, sa huli ay natututo tayo sa ating pagkakamali at patuloy na gumagawa ng mga paraan upang tayo ay mapabuti.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *