Isa na ngang ganap na Mommy ang aktres at singer na si Roxanne Barcelo matapos niyang isilang ang kaniyang napaka-cute na baby boy noong umaga ng May 22, 2021.
Image source: Instagram/roxannebarcelo
Sa kaniyang Instagram account ay agad na ibinahagi ng aktres sa mga netizens ang ilang larawan nilang mag-ina na kuha habang sila ay nasa hospital. Masayang-masaya si Roxanne dahil sa wakas ay nagkatotoo na ang pangarap niyang maging isang Ina matapos ang ilang taong paghahanda nila ng kaniyang non-showbiz na asawa.
Image source: Instagram/roxannebarcelo
Aminado si Roxanne na hindi naging madali ang kaniyang motherhood journey ngunit sabi nga ng karamihan sa mga nanay, “it’s not easy but it’s all worth it.” Lahat ng hirap na napagdaanan ni Roxanne ay naging worth it sapagkat sobrang saya niya na safe and healthy sila ng kaniyang anak.
Image source: Instagram/roxannebarcelo
Magkahalong emosyon naman ang naramdaman ng aktres nang mayakap niya si Baby Cinco sa unang pagkakataon at doon niya lubos na naramdaman ang saya ng pagiging isang ina.
Image source: Instagram/roxannebarcelo
Halos ilang araw din si Roxanne sa ospital para magpagaling at kasama niya doon ang kaniyang anak kaya naman sinulit na rin niya ang pagkakataong ito para magkaroon ng quality time sa kaniyang first born baby.
Image source: Instagram/roxannebarcelo
Image source: Instagram/roxannebarcelo
Samantala, sa kaniyang Youtube vlog ay ibinahagi ng aktres kung gaano siya ka-swerte dahil nakita niya ang lalaking para sa kaniya at ngayon ay isa na silang pamilya. Ngunit sa kabila ng pagiging sweet niya sa kaniyang asawa ay hindi pa rin niya ito ipinapakilala sa publiko. Sa katunayan, kahit larawan nito ay hindi ibinabahagi ng aktres at nananatili pa ring sikreto.
Image source: Instagram/roxannebarcelo
Matatandaang ginulat ni Roxanne ang publiko nang mag-post ito ng kaniyang kasal sa social media noong taong 2020 at noong nakaraang buwan ng April ay sinurpresa niya na naman ang mga netizens sa balita ng kaniyang pagbubuntis.
Image source: Instagram/roxannebarcelo
Naging mabilis man ang pangyayari ay alam ni Roxanne na nahanap na niya ang kaniyang “The One” dahil una pa lang ay naramdaman na kaagad niya ang wagas na pag-ibig nito.
Image source: Instagram/roxannebarcelo
Image source: Instagram/roxannebarcelo
Samantala, sa ngayon ay abala ang aktres sa pag-aasikaso sa kaniyang baby boy at walang ibang hangad si Roxanne kung hindi ang maging isang mabuting ina at mapalaki niya ng maayos ang unang anak nila ng kaniyang asawa.