Nakilala si Richard Yap ng publiko simula ng pasukin niya ang mundo ng show business at kaagad nagkaroon ng mga fans dahil sa taglay niyang ka-gwapuhan at pagiging natural sa harap ng camera.
Image source: Instagram/iamrichardyap
Hindi nga maiwasan ng mga netizens na kiligin sa tuwing nakikita siya sa telebisyon at ang ilan sa kanila ay nagkakagusto pa sa kaniya. Ngunit hindi sila nagtagumpay dahil taken na itong si Mr. Richard Yap at happily married sa kaniyang asawa na si Mrs. Melody Yap.
Image source: Instagram/iamrichardyap
Image source: Instagram/iamrichardyap
Kamakailan lamang ay ibinahagi nila sa publiko ang ilang larawan na nagpapakita ng kanilang love story magmula sa araw ng kanilang kasal hanggang sa pagkakaroon nila ng pamilya.
Image source: Instagram/iamrichardyap
Image source: Instagram/iamrichardyap
Ang kwentong ito ay naitampok rin sa special edition ng Kapuso show na “Magpakailanman” bilang celebrasyon ng Valentines Day at Chinese New Year.
Image source: Instagram/iamrichardyap
Noong una ay nag-aatubili ang dalawa na ibahagi ang kanilang kwento ngunit naisip nilang maraming aral ang maaaring mapulot ng mga netizens mula dito kaya naman pinagbigyan na rin nila ang hiling ng marami.
Image source: Instagram/iamrichardyap
Pure-blood chinese si Richard Yap samantalang Pinoy naman ang lahi ni Melody. Ito ang naging dahilan kung bakit maraming pagsubok ang hinarap nila sa mga unang taon ng kanilang relasyon.
Image source: Instagram/iamrichardyap
Tutol rin ang ama ng aktor sa desisyon niyang pakasalan ang kasintahan kaya naman ipinadala siya kaagad sa China upang doon magtrabaho at mailayo kay Melody.
Image source: Instagram/iamrichardyap
Image source: Instagram/ashleyandrine
Naging mahirap ang long-distance relationship nila ni Melody kahit na madalas silang magka-usap sa telepono.
Image source: Instagram/ashleyandrine
Kaya naman, nang malaman ni Richard ang totoong dahilan ng kaniyang Ama ay agad siyang umuwi ng Pilipinas para makasama ang kasintahan.
Image source: Instagram/iamrichardyap
Marami pa ang mga pagsubok na hinarap ng dalawa ngunit mas pinili nilang mahalin ang isa’t isa at sa katunayan ay dalawang beses silang nagpakasal.
Image source: Instagram/iamrichardyap
Isang civil-wedding ang ginawa nila noong 1993 at church-wedding naman noong 1995. Sa ngayon ay malalaki na ang kanilang dalawang anak na sina Dylan at Ashley.
Image source: Instagram/iamrichardyap
Image source: Instagram/iamrichardyap
Masasabi ngang maganda at masaya ang pamilya nina Richard at Melody at nagpapatunay lang ito na hindi hadlang ang pagkakaiba nila ng lahi para maipadama ang tunay na pagmamahal nila para sa isa’t isa.