Mayroon ng dalawang anak na lalaki ang dating aktres na si Rica Peralejo at ngayon ay inilalaan niya ang karamihan sa kaniyang oras para maalagaan silang mabuti. Mas pinili nga nitong iwanan ang katanyagan sa mundo ng showbiz upang magampanan ng maayos ang responsibilidad sa kaniyang pamilya.
Image source: Instagram/ricaperalejo
Maliban sa mga gawaing bahay ay abala rin ang dating aktres sa pag-aasikaso ng kaniyang Youtube channel na sa ngayon ay mayroon ng 193k na subscribers at kamakailan lamang ay gumawa ito ng isang kakaibang “house tour” vlog upang ipasilip ang kanilang munting bahay.
Image source: Youtube/ricaperalejo-Bonifacio
Image source: Instagram/ricaperalejo
Sa umpisa pa lamang ay nilinaw na ni Rica na mayroon siyang ipapakitang ilang parte ng bahay na kinakailangang ayusin lalo na at matagal rin silang nawala nang maabutan ng lockdown sa Amerika.
Image source: Youtube/ricaperalejo-Bonifacio
Nagbigay babala rin ang aktres sa mga netizens na maaaring makakita sila ng mga kalat habang naglilibot-libot dahil sa kasalukuyan ay naglilinis sila ng bahay. Sa katunayan, mayroon siyang mga naitabing gamit na balak niyang ibenta online.
Image source: Youtube/ricaperalejo-Bonifacio
Una niyang ipinakita ang isang malawak na kwarto na puno ng mga libro at laruan. Ito ang tinatawag nilang “study area” para sa buong pamilya at dito niya planong gawin ang “homeschooling” ng kaniyang mga anak. Ngunit sa ngayon ay nangangailangan ito ng kaunting “renovation” dahil may ilang parte na napabayaan at kinain na ng mga anay.
Image source: Youtube/ricaperalejo-Bonifacio
Sa gilid naman nito ay magpapagawa si Rica ng karagdagang espasyo kung saan ilalagay niya ang washing machine at ilan pa nilang mga gamit.
Image source: Youtube/ricaperalejo-Bonifacio
Sa ikalawang palapag naman ay makikita ang kanilang kusina, sala at hapag-kainan. Malawak ang espasyong ito at mayroong iba’t ibang kagamitan kagaya na lamang ng mahabang mesa na sa ngayon ay ginagamit rin ni Rica sa pagtuturo sa panganay na anak habang hindi pa handa ang kanilang study area.
Image source: Instagram/ricaperalejo
Samantala, kahit na medyo magulo ang kwarto ay ipinasilip pa rin ng aktres ang kanilang masters bedroom at ayon sa kaniya plano niyang magpagawa ng isa pang kwarto dito upang magamit niya sa pagtatrabaho online.
Image source: Youtube/ricaperalejo-Bonifacio
Matapos ang paglilibot-libot sa buong bahay ay ibinahagi rin ni Rica ang hi-tech refrigerator na nabili nila kamakailan lamang. Nagdesisyon silang mag-asawa na magpalit ng ganitong gamit dahil mas marami ang pwedeng mailagay na pagkain dito at maliban sa matitipid na kuryente ay makakatipid din sila sa oras ng pamimili ng mga goceries.
Image source: Youtube/ricaperalejo-Bonifacio
Kapansin-pansin na panay masustansiyang pagkain ang binibili ni Rica para sa kaniyang pamilya at mayroon din silang mga “organic meds” na itinatago dito. Kakaiba rin ang refrigerator na ito dahil isang katok lang ay maari mo ng makita kung anong nasa loob nito nang hindi mo na binubuksan pa.
Image source: Instagram/ricaperalejo
Mayroon din itong alarm na tumutunog sa tuwing nakabukas ng matagal o di kaya naman ay naiwanang hindi nakasara ng maayos.
Image source: Youtube/ricaperalejo-Bonifacio
Maraming netizens nga ang napa-wow sa gamit na ito at lubos na hinangaan ang pagiging natural ng dating aktres hindi lang sa pananalita nito kundi pati na rin pagiging bukas niya sa publiko.
Image source: Instagram/ricaperalejo
Kilala si Rica bilang isang matipid and wais mom lalo na ngayon na mayroon na siyang mga anak. Mas nanaisin na lamang ng aktres na gastusin ang kanilang ipon sa pamamagitan ng mga bagay na nakakapag grow ng kanilang healthy mind and body.