Rhian Ramos, sinagot ang isyu patungkol sa biglaang pagbaba ng kaniyang Timbang na pinupuna ng mga netizens

Napakarami nga namang negative comments at kritisismo sa mundo ng social media sapagkat malakas ang loob ng ilan na magbitaw ng mga pangit na salita dahil alam nilang hindi sila mahahabol at makakasuhan sa simpleng pag-comment lamang. Karamihan ang mga artista at big personalities ang nakakatanggap ng mga negatibong komento sa mga netizens na siyang bumabagabag sa kanilang isipan at nagiging dahilan ng kanilang depresyon.


Image source: Instagram/whianwamos

Kaugnay nito, hindi nakaligtas ang aktres na si Rhian Ramos sa mapanuring mata ng publiko sapagkat agad napansin ng mga netizens ang kaniyang biglaang pagbaba ng timbang.


Image source: Instagram/whianwamos


Image source: Instagram/whianwamos

Makikita ang malaking pagbabago sa katawan ng aktres sa kaniyang mga ibinabahaging larawan sa social media at hindi na napigilan ang mga netizens na mag-komento patungkol dito. Ang sabi ng ilan ay nasobrahan daw ito sa pag-diet, samantalang ang iba naman ay nagsasabing may depresyon ang aktres.


Image source: Instagram/whianwamos


Image source: Instagram/whianwamos

Dahil dito ay nagdesisyon ang aktres na magsalita upang mabigyan ng linaw ang mga haka-hakang ito ng mga bashers at netizen. Kaya sa sa isang social media post nito ay inamin ni Rhian na kasalukuyan siyang nakakaranas ng pagsubok sa kaniyang buhay ngayon at marami itong pinagdadaanan.


Image source: Instagram/whianwamos


Image source: Instagram/whianwamos

Isa na dito ang hiwalayan nila ng boyfriend na si Amit Borsok, isang negosyanteng Israeli. Noong nakaraang taon ay inamin ito ng aktres sa publiko at kasabay nga ng pandemiya ay nagdadalamhati rin ang kaniyang puso. Hindi naging madali para sa 29-year-old Kapuso star ang pagtatapos ng mahigit isa at kalahating taong relasyon nila ng nobyo na siyang naging dahilan ng kaniyang depression.


Image source: Instagram/whianwamos


Image source: Instagram/whianwamos

Nawalan ng gana sa buhay si Rhian at sinabi pang madalas ay wala siyang tulog at wala ring ganang kumain. Mayroon ding mga pagkakataon na ayaw niyang bumangon sa higaan at nagkukulong lang ito sa kaniyang kwarto kaya naman nagdulot ito ng negatibong epekto sa kaniyang pangangatawan.


Image source: Instagram/whianwamos

Maliban dito, kinailangan niya ring maghanap ng bagong tirahan dahil ayaw niyang mahawa kung sakali ang kaniyang pamilya sa tuwing uuwi siya sa family house nila sa Alabang matapos ang trabaho at tapings. Kaya naman kahit na mayroong banta ng pandemya ay naglibot-libot ang aktres para maghanap ng malilipatang condo-unit malapit sa GMA-7.


Image source: Instagram/whianwamos


Image source: Instagram/whianwamos

Sa ngayon ay unti-unti ng bumabangon si Rhian at muling pumirma ng kontrata sa Kapuso network upang ipagpatuloy ang kaniyang karera. Lubos siyang nagpapasalamat dahil mayroon pa rin siyang trabaho at nagbigay ng payo sa mga netizens na sa halip magbitaw ng hindi kaaya-ayang salita sa kapwa ay piliin na lamang ang mga salitang makapagbibigay ng pag-asa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *