Hindi na napigilan pa ng dating aktres na si Andi Eigenmann ang manahimik nalang patungkol sa napakahabang social media post ng isang netizen. Nadamay kasi ang kaniyang pangalan at para bang ang dating sa publiko ay hindi siya marunong makipag-kapwa tao matapos nitong tanggihan ang hiling ng turista na magpa-picture sa kaniya.
Image source: Instagram/andieigengirl
Ayon sa nasabing netizen, pinili niyang bumisita sa Siargao dahil sa ganda ng tanawin dito at para na rin makita si Andi at ang fiancé nito na si Philmar.
Image source: Instagram/andieigengirl
Gusto rin mapatunayan ng netizen na ito kung parehas ba ang ugali ng dating aktres sa personal kumpara sa ipinapakita niya sa kaniyang Youtube channel.
Image source: Instagram/andieigengirl
“We just want to know if the humble Andi on social media is the same as Andi in real life because I and my guests experienced that we wanted to take a picture with her twice but she didn’t allow us… We don’t want to judge her. We just want to know what your experience was when you tried to take a picture with her,” caption ng netizen.
Image source: Instagram/andieigengirl
Naging kabaliktaran ang lahat ng kaniyang expectations kaya naman agad itong nagparinig sa social media at ibinahagi ang kaniyang naging karanasan.
Image source: Instagram/andieigengirl
Sinabi pa nitong hindi naman niya intensyon na i-discredit ang magandang pag-uugali ng dating aktres ngunit hindi siya natuwa nang tanggihan ni Andi ang dalawang beses niyang hiling na makapagpa-picture.
Image source: Instagram/chepoxz
Dahil dito ay minabuti na ng Islander Momma na magpaliwanag sa kaniyang Instagram story. Gumawa rin siya ng isang video upang maunawaan ng mga netizens ang ilan sa mga dahilan kung bakit may mga pagkakataon na siya ay tumatanggi.
“The last thing I want is for you guys to misinterpret it or think that it means I dont’ appreciate all of your support. We love knowing and I find it amazing that there are a lot of you that think that a life out here is something to admire, or something to achieve for yourselves.”
Image source: Instagram/andieigengirl
Isa sa mga dahilang ito ay nais niyang mamuhay ng tahimik sa isla kagaya ng isang normal na tao. Kaya naman noong iwanan niya ang pag-aartista ay inakala niya na mauunawan agad ng publiko kung bakit may mga pagkakataon na “No” ang sagot niya sa kanilang mga hiling.
Image source: Instagram/chepoxz
“There are a lot of reasons why I moved here on the island, one of that is peace and simplicity, and being able to enjoy this paradise for what it is. Marami rin kaming responsibilities na kailangang gawin, especially we have three kids. Parang ang daya naman kung sabihin niyo sa kin, ‘Kung ayaw mo magpa-picture, wag kang lumabas.’ Pano ako hindi lalabas?’
Image source: Instagram/andieigengirl
Ngunit dahil nga sa pagdami ng kaniyang mga subscribers sa Youtube ay hindi pa rin naiwasan ni Andi na magkaroon ng maraming tagahanga. Ikinatuwa naman ito ng dating aktres at sobrang cool nga daw dahil marami ang na-inspire sa kanilang mga ibinabahaging vlogs.
Image source: Instagram/andieigengirl
Nagpasalamat rin siya dahil kahit na hindi na siya artista at isang simpleng probinsiyana nalang ay marami pa rin ang sumusuporta sa kaniya.
Image source: Instagram/andieigengirl
Image source: Instagram/andieigengirl
Sa huli ay nilinaw ni Andi na masaya niyang pinagbibigyan ang hiling ng publiko na makapagpa-picture ngunit sana naman ay maunawaan siya ng mga ito kapag may mga pagkakataon na kailangan niyang tumatanggi.
Image source: Instagram/andieigengirl
“We also know that the island is small and it’s so easy to look for our house. Naiintindihan namin na maraming pumapasok sa bahay namin kasi wala pa kaming gate. Di ba, pag nasa bahay kayo, it’s a place of rest and just a private property?”
Image source: Instagram/andieigengirl
Ngayon kasi ay tatlo na ang inaalagaan nilang anak ni Philmar at mahalaga sa kaniya ang bawat oras sa isang araw.
Pinaalala niya rin sa mga netizens na kahit sikat siya sa social media ay isa pa rin siyang tao na nangangailangan ng privacy at kalayaan na gawin kung ano ang gusto niya.