Matagumpay na isinilang ng 34-years old singer na si Rachelle Ann Go ang kauna-unahan nilang anak ng asawa na si Martin Spies noong nakaraang linggo, March 26,2021.
Image source: Instagram/gorachelleann
Abot-langit ang pasasalamat ng buong pamilya dahil malusog at ligtas ang mag-ina sa kabila ng pinagdaanan nilang proseso.
Image source: Instagram/gorachelleann
Makikita nga sa ibinahaging larawan ni Rachelle sa kaniyang Instagram account ang unang larawan nila bilang isang pamilya kasama ang super cute baby boy na binigyan nila ng pangalang “Lukas Judah”.
Image source: Instagram/gorachelleann
Image source: Instagram/gorachelleann
May kani-kaniyang kahulugan ang dalawang pangalang ito kagaya na lang ng Lukas na ang ibig sabihin ay “bringer of light” at ang Judah naman ay “praised, let Him be praised”.
Image source: Instagram/gorachelleann
Nasa London pa rin ngayon ang mag-asawang Rachelle at Martin at bilang pag-uumpisa ng bagong yugto sa kanilang buhay ay minabuti ng singer na papuntahin doon ang kaniyang ina na si Mama Russell.
Image source: Instagram/gorachelleann
Kasama nila ito sa loob ng bahay kaya naman tuwang-tuwa ang singer dahil mayroon siyang katuwang sa pag-aasikaso ng kaniyang baby boy. Excited na nga ito sa mga bonding moments nilang mag-ina at sa mga bagong tips na matutunan niya bilang isang ganap na Mommy.
Image source: Instagram/gorachelleann
Samantala, hindi naman maiwasang pagkaguluhan ng mga netizens ang bagong silang na sanggol at kahit na maliit pa lang ay marami na ang nagsasabing hawig ang mga mata nito sa kaniyang ina.
Image source: Instagram/gorachelleann
Kaliwa’t kanan rin ang magagandang mensahe na natanggap ng pamilyang Spies mula sa kanilang mga kaibigan at fans. Ang ilan pa nga sa kanila ay talaga namang nakasubaybay sa social media at nag-aabang sa mga update ni Rachelle patungkol kay baby Lukas.
Image source: Instagram/gorachelleann
Sa ngayon ay sinusulit muna nina Rachelle at Martin ang pagkakataon na kasama ang kanilang baby boy lalo na at marami pa silang dapat matutunan bilang mga bagong magulang. Sa kabutihang palad ay katuwang rin nila ang kani-kanilang pamilya sa parenthood moments nila kasama si baby Lukas.
Image source: Instagram/gorachelleann
Image source: Instagram/gorachelleann
Talaga namang maganda ang pagpasok ng taon sa mag-asawang Rachelle at Martin lalo na at sa wakas ay nabiyayaan ang kanilang pagsasama ng isang napaka-cute at malusog na sanggol.