Magkahalong emosyon ang naramdaman ng singer at theatre actress na si Rachelle Ann Go nang maging positibo sa ginawa niyang pregnancy test.
Image source: Instagram/gorachelleann
Nasa ika-6 na linggo na siya ng kaniyang pagbubuntis nang malaman ang magandang balita at agad itong ibinahagi sa kaniyang mga fans sa pamamagitan ng isang Youtube vlog kasama ang mapagmahal at supportive na asawang si Martin Spies.
Image source: Instagram/gorachelleann
Matatandaang nagkakilala ang dalawa sa isang event sa New York habang nasa ibang bansa ang singer para sa kaniyang proyekto. Nag-click agad ang kanilang pag-uugali at nahulog ang loob sa isa’t isa kaya naman matapos na makilala ang kani-kaniyang pamilya ay nagdesisyon silang magpakasal sa mala-paraisong isla ng Boracay noong 2018.
Image source: Instagram/gorachelleann
Samantala, makalipas ang isang taon ay lumuwas sila ng bansa upang sa London magsimula ng buhay bilang mag-asawa.
Image source: Instagram/gorachelleann
Maganda ang naging takbo ng kanilang pagsasama sa sarili nilang bahay na sila rin mismo ang nag-disenyo at madalas ay abala ang dalawa sa kani-kaniyang propesyon kaya naman noong una ay nag-aatubuli si Rachelle na manalangin na magkaroon ng anak.
Image source: Instagram/gorachelleann
Halos lahat kasi ng kaniyang hiniling sa Panginoon ay nagkakatotoo at natatakot siya na baka hindi pa siya handa na maging isang ina.
Image source: Instagram/gorachelleann
Ngunit noong kasagsagan ng lockdown sa bansang U.K ay napansin niyang napapadalas ang panonood niya ng mga videos patungkol sa mga bata at di nagtagal ay nanalangin na rin siya na mabiyayaan ng supling ang mahigit dalawang taon nilang pagsasama ng kaniyang asawa.
Image source: Instagram/gorachelleann
Sa kasalukuyan ay malapit na ang araw ng kaniyang panganganak at talaga namang abala siya sa paghahanda ng mga gamit para sa panibagong miyembro ng kanilang pamilya. Hands-on si Rachelle sa pamimili ng gamit magmula sa pregnancy bag na dadalhin niya sa hospital maging ang nursery room ng panganay na anak ay siya rin ang nag-disenyo.
Image source: Instagram/gorachelleann
Image source: Instagram/gorachelleann
Ayon sa update ng singer, wala siyang naging problema sa kaniyang pagbubuntis at malaking tulong ang sunod-sunod na lockdown sa kanilang lugar upang makapagpahinga siya sa loob ng bahay kasama ang asawa na si Martin.
Image source: Instagram/gorachelleann
Image source: Instagram/gorachelleann
Ilang linggo nalang nga ay isisilang na ni Rachelle ang panganay na anak at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila inilalahad sa publiko ang magiging kasarian nito.