Hindi rin nagpahuli si Jinkee Pacquiao sa pagiging isang certified plantita sapagkat kahit siya mismo ay mayroong mga mamahaling halaman sa kaniyang tahanan na talaga namang nakaka agaw pansin dahil sa laki ng halaga ng mga ito!
Image source: Instagram/ Jinkee Pacquiao
Paano naman kasi, halos lahat ng mga rare plants at mamahaling uri ng halaman ay meron na si Jinkee. Tulad nalang ng dalawang napakalaking halaman na ginawa niyang background sa kaniyang Instagram post. Ito ay ang alocasia plant o mas kilala sa tawag na elephant ear at ayon sa mga eksperto sa halaman, mahirap itong hanapin at hindi rin biro ang presyo kung ito ay bibilhin.
Image source: Instagram/ Jinkee Pacquiao
Maliban dito ay mayroon din siyang collection ng mga cactus, at iba pang rare at variegated plants na talaga namang kina-iinggitan ng mga plantita at plantito sa social media.
Image source: Youtube/Dyan Castillejo
Image source: Youtube/Dyan Castillejo
Sa ngayon ay hindi lang nahihilig si Jinkee sa mga indoor plants na ginawa niyang additional decoration sa kanilang bahay sa Manila. Sa katunayan, maging ang mansyon nila sa General Santos City ay namumulaklak din sa ganda dahil punong puno ito ng mga well maintained plants.
Image source: Youtube/Dyan Castillejo
Tinawag ito ng ilan na “luxury tropical sanctuary” dahil sa makukulay na bulaklak at iba pang kakaibang halaman na talaga namang nakaka-relax pagmasdan pagpasok sa kanilang mansion.
Image source: Youtube/Dyan Castillejo
Nag-hire pa mismo si Jinkee ng expert sa gardening at sa tulong ni Roize Royal ng GreenNStyle ay mas nabigyan ng buhay ang kanilang garden sa mansion. Iba’t ibang uri ng halaman ang inilagay dito at nakaayos ang mga ito ayon sa kanilang uri kaya naman mas lalong nabigyan ng buhay ang lugar.
Image source: Youtube/Dyan Castillejo
Sa gilid naman ng kanilang mansion ay makikita ang iba’t ibang klase ng halaman sa kanilang bulwagan o receiving area kung saan madalas kinakausap ni Manny Pacquiao ang kanilang mga bisita. Ginawan din nila ito ng mini garden at mala-Japanese Zen ang naging tema nito.
Image source: Instagram/ Jinkee Pacquiao
Image source: Youtube/Dyan Castillejo
Ayon kay Roize, gusto ni Jinkee na magkaroon ng pop-of-color sa luntiang hardin kaya naman nilagyan nila ito ng grafted bougainvillea na mayroong iba’t ibang kulay sa iisang puno lamang. Nandito rin ang mga bonzai tree na iba’t iba ang laki at talaga namang mamahalin ang mga presyo. Ang isa nga sa mga ito ay aabot sa mahigit 100,000 pesos kada halaman!
Image source: Instagram/ Jinkee Pacquiao
Image source: Youtube/Dyan Castillejo
Samantala, hindi man isang plantito ay mayroong request si Manny Pacquiao na gusto niyang mapasama sa napaka-ganda nilang hardin. Ito ay ang variegated african talisay na nag-iiba ang kulay at nagiging kulay pink ang mga dahon kapag mainit ang panahon. Isa rin ito sa mga rare plants ngunit matatagpuan lang din sa Pilipinas.
Image source: Youtube/Dyan Castillejo
Talaga namang amazing ang collection ng mga halaman ni Jinkee Pacquiao na ngayon ay tinagurian na rin ng mga netizen bilang isang “plantita queen”.