Piolo Pascual, Ipinasilip ang kaniyang simpleng buhay sa kaniyang big house sa Batangas

Namangha at tila ba hindi makapaniwala ang mag-asawang Dr.Vicki Belo at Hayden Kho nang bumisita sila sa rest house ng aktor na si Piolo Pascual.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo



Bumyahe sila ng halos dalawang oras mula sa Manila para marating ang lokasyon ng bahay ni Piolo Pascual sa Batangas at hindi nga sila nabigo dahil punong-puno ang kanilang puso ng kasiyahan nang muling masilayan ang kanilang matagal ng kaibigan na si Papa P.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Pagbaba ng sasakyan ay dumaan sa hagdan ang mag-asawa at nakita kaagad nila na abala ang aktor sa pagtulong sa mga trabahador na mapaganda ang kaniyang itinuturing na “happy place”.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Natutuwa si Hayden at Vicki dahil sa wakas ay nakita na nila ng personal ang napakagandang lugar na noon ay hinahangaan lang nila sa Instagram account ni Piolo.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo




Ayon sa kwento ng aktor, ang lugar na ito ay isang diving area noon at kinailangan nilang sirain ang 18 na building upang maisakatuparan ang gusto niyang plano para sa lugar.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Sa ngayon ay hindi pa sila tapos sa renovation at una munang ginawa ang isang building kung saan mayroong open-kitchen at malawak na dining area. Dito madalas tanggapin ni Piolo ang kaniyang mga bisita at dito na rin sila naguusap-usap habang kumakain.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Kapansin-pansin naman ang pagiging maaliwalas ng lugar dahil napapaligiran ito ng mga puno at iba pang halaman. Malapit din kasi ito sa dalampasigan kaya naman napakaganda ng simoy ng hangin dito.




Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Samantala, namangha ang mag-asawa nang malaman nila na mismong si Piolo Pascual ang hands-on sa pamimili at pagtatanim ng mga halaman sa paligid pati na rin ang pag-aasikaso ng tirahan ng mga hayop sa kaniyang bahay.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Sa katunayan mayroon siya alagang ibon, aso, manok at kambing na plano niya pang dagdagan kapag mayroon ng sapat na kulungan. Simple lamang ang buhay dito dahil ang kanilang mga itinanim na mga halaman gaya ng kalabasa at sitaw ay siya rin kanilang pangunahing pagkain dito.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo


Sa lawak ng lugar na ito ay mayroon siyang pinaka-paborito sa lahat at ito ay walang iba kundi ang kaniyang open-deck kung saan madalas siyang tumambay at magmuni-muni. Kitang-kita dito ang ganda ng sunset at may mga pagkakataon din na dito siya natutulog sa gabi habang masayang pinagmamasdan ang mga bituin at huni ng mga insekto sa paligid.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Paraiso nga kung maituturing ni Piolo ang lugar na ito dahil halos lahat ng gusto niya sa isang tirahan ay nandito na. Nagagawa niya rin dito ang paborito niyang libangan na “diving”, “kayaking” pati na rin ang pangigisda. Kaya naman mas masaya siya na dito siya nakatira habang wala pang proyekto sa industriya.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Nasa isip noon ni Piolo na gawing “sustainable” ang lugar na ito kung saan nasa paligid lang ang mga bagay at pagkain na kaniyang kailangan at sa ngayon nga ay unti-unti niya na itong isinasakatuparan.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Samantala, ilang minuto lamang ay matatagpuan din dito ang kanilang bahay ng kaniyang pamilya na napakalaki at napakaganda dahil overlooking ang beach sa kanilang view deck. Ito raw ay ipinagawa ni Piolo para na rin sa tuwing sila ay magbabakasyon ay sama-sama silang pamilya sa malaking bahay na ito.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo




Mayroon din itong napakalaking lap infinity pool na kung saan tanaw na tanaw ang napakagandang beach view. Ito ang isa sa paboritong area ni Piolo sa kaniyang bahay dahil very refreshing at relaxing ang mag-swimming habang tanaw ang sobrang gandang tanawin.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Sa katunayan, sa tuwing mayroon siyang lakad sa Maynila ay talagang pinipilit ni Piolo na makauwi sa kaniyang bahay dahil ito na ang kaniyang hometown ngayon. Malayo sa polusyon, sa ingay at gulo ng siyudad na kailanman ay hindi niya nagustuhan. Nature-friendly kasi ang aktor at mas nanaisin niyang magsibak ng kahoy at magtanim ng halaman sa kaniyang bahay kaysa tumira sa siyudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *