Makulay at nakakamanghang tanawin ang sunod-sunod na ibinahagi ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa kaniyang social media posts noong nakaraang linggo lamang.
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Kasalukuyan kasi itong nasa Morocco kasama ang kasintahang si Jeremy Jauncey, CEO ng Beautiful Destinations na tumutulong sa mga gustong mag-travel sa magagandang lugar sa buong mundo.
Image source: Instagram/jeremyjauncey
Kinumpirma ng dalawa ang totoong estado ng kanilang relasyon noong nakaraang taon ngunit bago pa man ito ay matagal na silang mayroong komunikasyon at una ngang nagkita sa London kung saan sila na-love at first sight sa isa’t isa.
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Noong nakaraang taon ay bumyahe si Pia papuntang London para makasama ang kasintahan sa Pasko at upang ipagdiwang ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan. Sabay rin nilang sinalubong ang Bagong Taon at nag-enjoy sa kanilang bakasyon sa Maldives.
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Nais pa sanang mag-enjoy ng dalawa sa U.K ngunit dahil sa banta ng malawakang pandemiya ay nagdesisyon silang mamalagi na muna sa Morocco, ang lugar na malapit sa puso ni Jeremy.
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Image source: Instagram/jeremeyjauncey
“I fist came to Morocco in my early twenties when a friend moved to the beautiful little surfing town of Taghzout to set up a surf school and explore the Morocaan way of life. It started a love for the country and its people that has grown stronger over the years as I’ve learnt more about its culture and built more friends in the Moroccan tourism industry…” kwento ni Jeremy sa kaniyang Instagram account.
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Madalas bumisita si Jeremy sa lugar na ito dahil na rin sa kaniyang trabaho at talaga namang na-inlove siya sa ganda ng lugar lalo na ngayon na halos walang positibo sa lugar na ito na dulot ng pandemya.
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Sa mga ibinahagi ngang larawan ng dalawa ay makikita na malaya silang nakakapasyal sa mga “tourist spots” sa Morocco partikular na sa Marrakech.
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Para kay Pia, ito na ang kaniyang biggest break simula ng manalo ito sa Miss Universe sapagkat ngayon ay nararanasan na niya ang mag-relax at mag-travel kasama ang kaniyang mahal sa buhay na noon ay hindi niya gaanong nagagawa dahil sa dami nitong proyekto.
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Image source: Instagram/Piawurtzbach
Maganda ang samahan ng dalawa dahil marami raw natututunan si Pia sa kaniyang boyfriend lalo na at halos parehas ang pananaw nila sa mga bagay-bagay.