Kamakailan lang ay isinilang ng dating aktres na si Andi Eigenmann ang ikalawang anak nila ng kaniyang fiancee na si Philmar Alipayo na kanilang ibinahagi sa kanilang youtube channel.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Talaga namang ikinatuwa ito ng kanilang mga taga-hanga at sa katunayan ay inaabangan ng karamihan ang bago nilang mga vlogs kung saan madalas nilang ibahagi ang ilang parte ng kanilang pang araw-araw na buhay bilang isang pamilya.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Kaugnay nito, maraming netizens ang humanga kay Philmar dahil sa pagiging hands-on daddy niya sa tatlo nilang anak ng aktres. Makikita sa nasabing vlog na siya ang mismong nagpapaligo sa bagong silang na si Baby Koa habang pinagmamasdan siya ng panganay nilang anak na si Lilo.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Image source: Youtube/Happy Islanders
Kadalasan ay si Philmar rin daw ang naglalaba at nagtutupi ng kanilang mga damit dahil ito ang isa sa paborito niyang household chores sa bahay kaya naman pagdating sa ganitong klaseng gawaing bahay ay always ready ito.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Image source: Youtube/Happy Islanders
Isang magandang katangian ni Philmar ay laking probinsiya ito at walang bahid ng kaartehan sapagkat sanay siya sa hirap ng buhay kung saan siya mismo ang nangingisda sa kanilang probinsiya, nagluluto at naghuhugas ng kanilang mga pinagkainan. Kaya naman inlove na inlove sa Andi sa kaniyang Island life sa Siargao dahil healthy ang kanilang mga kinakain na tanaw pa ang magandang view ng dagat.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Image source: Youtube/Happy Islanders
Samantala, aminado si Andi na kahit gaano siya kasaya noong ipinanganak niya si Lilo noon ay nakaranas din siya ng postpartum. Subalit sa tulong ni Philmar ay napagtagumpayan niya ito at bumalik ang kaniyang dating sigla. Paano naman kasi, maliban sa pagiging Tatay sa bahay ay madalas nagiging clown ito at kasamang nakiki-gulo sa dalawang anak nila na sina Ellie at Lilo.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Image source: Youtube/Happy Islanders
Sa katunayan, naging bonding-moment na ng mag-Ama ang pagsayaw at paggawa ng mga nakaka-aliw na Tiktok videos na siya namang suportado ni Andi dahil aliw na aliw ang aktres sa mga ito. Makikita nga na tila napakalight ng mood sa kanilang bahay dahil panay tawanan lamang sila bilang isang pamilya.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Image source: Youtube/Happy Islanders
Sa ngayon ay walang ibang hangad ang dating aktres kung hidni mas lalo niyang ma-enjoy ang panahon na kasama ang kaniyang pamilya kahit na simple ang kanilang buhay at malayo sa dati niyang nakagawian.
Image source: Youtube/Happy Islanders
Sa ganitong kadahilanan nga ay mas lalo siyang hinangaan ng mga netizens at sila man din ay gustong tularan ang ilan sa kaniyang mga pananaw sa buhay.