Isang mahalagang okasyon ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan kaya talaga namang pinaghahandaan ang pagdating ng araw na ito. Ganoon pa man, sa paglipas ng panahon ay kapansin-pansin na karamihan sa mga magkasintahan ay mas pinipili ang simpleng kasal at sa halip ay binibigyang halaga ang pag-ibig sa isa’t isa kaysa mamahaling gamit o magarbong handaan.
Image source: Instagram/Dionne
Isa na nga dito ang dating aktres at Pbb housemate na si Dione Monsanto na mas piniling magkaroon ng civil wedding kasama ang long-time boyfriend na si Ryan Stadler.
Image source: Instagram/Dionne
Image source: Instagram/Dionne
Ikinasal ang dalawa noong March 6, 2021 sa Bern, Switzerland matapos ang napaka-sweet na engagement nila habang nagbabakasyon sa isang hotel. Simple lang ang naging celebrasyon ng kasal at kasama nila dito ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Image source: Instagram/Dionne
Image source: Instagram/Dionne
Ganoon pa man, lubos pa ring pinag-usapan sa social media ang kanilang pag-iisang dibdib lalo na nang ibahagi ng dating aktres sa kaniyang Instagram account kung magkano ang ginastos niya para sa kaniyang wedding dress.
Image source: Instagram/Dionne
Talaga namang simple lamang ngunit elegante ang dating ni Dionne sa suot niyang damit pangkasal at mas lalong nangibabaw ang kaniyang natural na ganda.
Image source: Instagram/Dionne
Ayon sa dating aktress, ang off-shoulder corset na gamit niya ay kaniayng nabili sa isang online store sa Pilipinas at nagkakahalaga lamang ito ng 300 pesos! Samantala, ang terno naman nitong white skirt ay regalo sa kaniya ng nakatatandang kapatid na si Aileen Siroy.
Image source: Instagram/Dionne
Image source: Instagram/Dionne
Sa paglipas nga ng panahon ay mas natutunan ni Dione na ang kasiyahan sa buhay ay hindi nababase sa karangyaan ng mga gamit na mayroon ka kundi sa pag-ibig at respeto ng mga taong nakapaligid sa iyo.
Image source: Instagram/Dionne
Image source: Instagram/Dionne
Kaya naman sa kaniyang espesyal na araw ay binigyan niya ng halaga ang espesyal na tao sa kaniyang buhay at hindi alintana ang presyo ng damit na kaniyang isusuot.
Image source: Instagram/Dionne
Image source: Instagram/Dionne
Talaga namang hindi kinakailangan ang magarbong handaan para maikasal sa taong minamahal at ang mahalaga sa lahat ay ang pag-ibig niyo sa isa’t isa na walang sinumang pwedeng sumira.