Ang pagiging magkaibigan sa loob ng mahabang panahon ay isang magandang pundasyon para sa mga magkasintahan. Sa ganitong paraan kasi ay nagkakaroon sila ng sapat na oras para makilala ng maigi ang isa’t isa at nalalaman kung ano ang mga ayaw at gusto nila. Kaya naman, ganoon na lamang ang saya ng dating PBB housemate at aktres na si Dionne Monsanto nang ibahagi niya sa social media ang napaka-gandang regalo na natanggap niya ngayong taon.
Image source: Instagram/Dionne
Abot-tenga ang ngiti ng aktres nang ibalita ang engagement sa kaniyang kaibigan at long-time boyfriend na si Ryan Stadler, isang kilalang businessman.
Image source: Instagram/Dionne
Unang nagkakilala ang dalawa noong taong 2017 sa tulong ng kaibigan at kapwa PBB housemate ni Dionne na si Mickey Perz at simula noon ay madalas na silang magkita at magka-usap. Ganoon pa man hindi na-love at first sight ang dalawa at lumipas muna ang labing-isang taon bago nila naramdaman na nahuhulog na pala sila sa isa’t isa.
Image source: Instagram/Dionne
Naging magkasintahan nga sina Dionne at Ryan ngunit long-distance ang kanilang relasyon dahil na rin sa kani-kaniyang trabaho at malawakang lockdown dahil sa pandemiya. Kaya naman noong nakaraang buwan ay minabuti ng aktres na lumuwas ng bansa at magtungo sa Bern, Switzerland upang bumisita sa kaniyang nobyo na doon ay nagtatrabaho.
Image source: Instagram/Dionne
Hindi niya akalain na sa kaniyang pagdating ay mayroon palang nakahandang surpresa para sa kaniya na ikababago ng kaniyang buhay. Isang simpleng engagement proposal ang inihanda ni Ryan para sa kaniyang nobyang si Dionne.
Image source: Instagram/Dionne
Sa Instagram post nga ni Dionne ay makikitang nasa labas siya ng hotel kasama si Ryan na naka-suot ng puting bathrobe samantalang sa likuran naman nila ay matatanaw ang kabundukan na nababalutan ng snow.
Image source: Instagram/Dionne
Image source: Instagram/Dionne
Dito sa napaka-gandang lugar ng Kandersteg, Switzerland ay hindi inaasahan ni Dionne na magpro-propose si Ryan tanaw ang napaka romantic na view na bagay sa ganitong okasyon.
Image source: Instagram/Dionne
“Ryan and I have known each other since my PBB season in 2007. Yet we only started dating in 2018… 11 years of knowing each other. Grateful that we were friends first and that we’ve seen each other grow. There’s no foundation better than friendship. Grateful that the universe gave me the kindest man ever”, caption ni Dionne sa kaniyang Instagram post.
Image source: Instagram/Dionne
Samantala lubos naman ang pagpapasalamat ni Dionne sa Panginoon at si Ryan ang ipinagkaloob sa kaniya na makasama habang-buhay. Alam niya kasi na magiging maayos ang kanilang pagsasama dahil sa haba ng panahon bilang magkaibigan at magkasintahan ay kilalang-kilala na nila ang isa’t isa. Ramdam din ng aktres na aalagaan siya ni Ryan hanggang sa kanilang pagtanda.
Image source: Instagram/Dionne
Image source: Instagram/Dionne
Congratulations sa inyo Dionne at Ryan! May God continue to bless your relationship!