Ang swerte naman maging isang Ama ang katulad ng aktor na si Paolo Contis na gagawin ang lahat para lamang mapasaya ang kaniyang anak sa maliliit na bagay. Sa katunayan, sa pagiging hands on daddy ni Paolo ay nakagawa pa ito ng isang playground para sa kaniyang anak na si Summer upang makapaglaro ito sa kanilang bakuran at maiwasan ang pag laro ng gadget.
Image source: Instagram/Paolo_Contis
“Naisip ko, kung si Summer ay hindi makapunta sa park, might as well bring the park inside our home,” kwento ni aktor.
Image source: Youtube/PaoloContis
Dahil gawa ng pandemya ay hindi makalabas ang kaniyang anak na si Summer sa kanilang park kaya naman naisipan nito na gawan ng built in playground sa kanilang bahay.
Image source: Youtube/PaoloContis
Nagkataon na mayroon pang espasyo sa kanilang garahe kaya naman inilabas niya dito ang mga laruan ng anak at inayos para magmukhang “mini-playground”.Bumili rin siya ng iba pang laruan upang makumpleto ang kaniyang proyekto. Mayroong slides, swing, hammock, sea-saw, at mayroon din itong playhouse na gustong-gusto ni Summer.
Image source: Youtube/PaoloContis
Image source: Youtube/PaoloContis
“Ito ‘yung mga dati pang toys ni Summer. Nasa taas, nilagay na lang namin sa baba to create more space at the same time, mas makalaro siya dito,” dagdag pa ni Paolo.
Image source: Youtube/PaoloContis
Image source: Youtube/PaoloContis
Minabuti rin ng aktor na maglagay ng artificial grass para ma-feel ni Summer na nasa park siya at maging proteksyon na rin kung sakaling madapa ito.
“Nung complete na yung laruan, saka ko lang pinagawa yung grass. Nilagay ko talaga ‘to para syempre kahit papaano kapag nadapa, hindi semento ‘yung babagsakan niya.”, pagpapaliwanag ni Paolo.
Image source: Youtube/PaoloContis
Image source: Youtube/PaoloContis
Tuwang-tuwa nga si summer at agad na sinubukan ang mga laruan kasama ang kaniyang Mommy LJ Reyes na napa-wow din sa surpresa ng asawa para sa kanilang anak.
Image source: Youtube/PaoloContis
Image source: Youtube/PaoloContis
Ginawa ito ni Paolo dahil na rin sa kadahilanan na naaawa ito at hindi na nakakalabas ng bahay ang kaniyang anak. Ito ang kaniyang paraan para kahit papaano ay mawala ang pagka-bored nito sa kanilang bahay at upang mas lumawak ang isipan nito.
Image source: Youtube/PaoloContis
Samantala, hinangaang lubos ng mga netizens ang paraan ng pagpapalaki nina Paolo at LJ sa kanilang anak at makikita na talaga namang gagawin nila ang lahat upang magkaroon ito ng magandang karanasan habang lumalaki.