Anim na taon pa lang noon si Paolo Contis ay sumabak na siya sa showbiz at tinaguriang isa sa mga magagaling na child-star sa nasabing industriya. Sa dinami-dami ng kaniyang ginawang palabas sa telebisyon at mga pelikula ay masasabi ngang batikan na ito pagdating sa pag-arte. Bukod sa pagiging komedyante, hindi alam ng karamihan dedicated father din itong si Paolo pagdating sa kaniyang pamilya.
Image source: paolo_contis/Instagram
Image source: paolo_contis/Instagram
Sa kasalukuyan, kahit busy sa kaniyang pamilya ay patuloy pa rin si Paolo sa kaniyang napiling propesyon at masayang pinagsasabay ang buhay bilang tatay at isang artista. Pinasok rin nito ang mundo ng YouTube vlogging at maraming netizens ang aliw na aliw sa ginagawa nilang videos ng asawa nitong si LJ Moreno at anak na si Summer Ayana.
Image source: paolo_contis/Instagram
Image source: paolo_contis/Instagram
Image source: paolo_contis/Instagram
Sa murang edad kasi ng anak ay mayroon na itong “Acting 101 lessons” kasama ang Ama. Tila natural sa kaniyang anak ang pag-arte kung saan marunong agad itong sumusunod sa ipinag-uutos ni Paolo kahit mapa-drama man o komedya.
Image source: paolo_contis/Instagram
Image source: paolo_contis/Instagram
Image source: paolo_contis/Instagram
Hands on Daddy kasi si Paolo kaya naman lumalaking malapit sakaniya ang kaniyang anak maging ang anak na lalaki ni LJ. Madalas din siyang makipagbonding sa mga ito sa tuwing walang trabaho upang mas maging close niya ang mga bata at maramdaman nila ang kaniyang pagmamahal.
Image source: lj_reyes/Instagram
Image source: paolo_contis/Instagram
Sa katunayan, ito ang isang bagay na ikinatuwa ni LJ mula ng maging magkasintahan silang dalawa ng aktor. Tinanggap niyang buo ang anak ni LJ na si Aki kahit hindi siya ang tunay na Ama ng batang ito. Hanggang sa dumating ang kanilang unang anak na si Summer, mas naging malapit ito sa mga bata kung saan siya na mismo nagpapatulog sa kanilang anak sa tuwing busy ang aktres sa kaniyang trabaho.
Image source: paolo_contis/Instagram
Image source: lj_reyes/Instagram
Image source: lj_reyes/Instagram
Palabiro man at kenkoy ang aktor ay seryoso naman ito pagdating sa pagiging haligi ng tahanan sa kaniyang pamilya. Madalas ibahagi ni LJ sa kaniyang Instagram account ang appreciation post sa aktor bilang pasasalamat dahil sa pagbigay ng pagmamahal at saya sa kanilang buhay.