Proud na ibinahagi ng ‘Eat Bulaga’ actor na si Paolo Ballesteros sa isang panayam ang patungkol sa pagkakaintindihan nila ng kaniyang anak na babae na si Keria Claire patungkol sa tunay na kasarian ng aktor.
Image source: Instagram/pochoy_29
Ayon rito, hindi naman nila pinag-usapan talaga ang tungkol sa kanyang kasarian lalo pa’t 10 years old pa lamang ang kaniyang anak, ngunit matalinong bata si Keria Claire at mukhang naiintindihan raw siya kahit pa hindi nila masinsinang pinag-uusapan ang tungkol sa ganitong issue ng kaniyang Ama.
Image source: Instagram/pochoy_29
Hindi kailanman naisip ni Paolo ang magtago lalo na sa kaniyang anak na kung saan nasa iisang bahay lamang sila nakatira. Sa murang edad ni Keira ay hindi niya kailangang idetalye pa ang kanyang gender preferences at sapat na muna na sila ay nagkakaintindihan sa kanilang mga galaw.
Image source: Instagram/pochoy_29
Subalit ibinahagi na rin mismo ni Paolo na tuluyan na siyang umamin sa kaniyang anak noong Agosto ng nakaraang taon upang mas maintindihan ng bata at hindi ito maging hadlang sa kaniyang paglaki at pakikisalamuha sa ibang tao.
Image source: Instagram/pochoy_29
Magaling sa comedy ang host at aktor ngunit pagdating sa pagiging magulang kay Keira ay mahigpit at seryoso ito dahil nais niyang madisplina ng mabuti ang kaniyang anak dahil walang ibang magdidisplina dito kung hindi siya lamang. Isa kasing single parent si Paolo at siya lamang ang tatayong Ama sa bata.
Image source: Instagram/pochoy_29
Image source: Instagram/pochoy_29
Kaya kung hahayaan lamang nito ang kaniyang anak ay hindi raw ito matututo kaya kailangan niyang gampanan ang parte niya sa pagpapalaki sa bata.
Image source: Instagram/pochoy_29
Sa kabutihang palad ay dito na sa Pilipinas muling nakatira si Keira kaya mas nakakasama niya ang kaniyang anak. Noong 2016 ay sa Illinois sa may Estados Unidos pa nakatira ang bata kasama ang kaniyang tunay na ina ngunit ngayon ay sa Baguio na sila nanunuluyan kung saan nag-aaral rin doon si Keira.
Image source: Instagram/pochoy_29
Kaya tuwing bakasyon ay nakakasama ni Paolo ang bata at naiuuwi sa kanyang bahay upang magkaroon rin ng bonding moments ang mag-ama lalo na kung walang taping at shooting ang aktor. Kahit na ganito ang sitwasyon ni Paolo ay tila naiintindihan naman raw nito ng kaniyang anak dahil lumalaking mabuting bata si Keira.
Image source: Instagram/pochoy_29
Image source: Instagram/pochoy_29
Pagdating naman sa pag-aartista ay ninanais raw ni Keira na maging isang magaling na aktres subalit isang kondisyon ni Paolo ay ang makapagtapos muna ito ng pag-aaral bago pumasok sa showbiz.
Image source: Instagram/pochoy_29
Image source: Instagram/pochoy_29
Sa ngayon ay hinahayaan niya lamang itong subukan ang mag-VTR at shoot nang kaunti sa tuwing mayroon itong oras bukod sa kaniyang pag-aaral. Basta para kay Paolo, masaya siya na naiintindihan siya ng kaniyang anak kahit alam nitong iba ang kaniyang ninanais na kasarian.