Pagmamalaking ipinakita ni Roxanne Barcelo ang mga napakacute na litrato ng kaniyang anak na si Baby Cinco

Bilang isang magulang ipinagmamalaki natin ang ating mga anak sa lahat ng bagay. Ngunit maiintindihan din natin kung ang ibang magulang ay mas pinipiling maging pribado ang buhay ng kanilang anak.


Image courtesy: Roxanne Barcelo | Instagram

Lalo na kung ikaw isa sa mga personalidad na nasa mundo ng show business. Tulad nalang ng artistang si Roxanne Barcelo na kamakailan lang ay ibinahagi at ipinakita na sa publiko ang kaniyang anak na si baby Cinco.


Image courtesy: Roxanne Barcelo | Instagram


Image courtesy: Roxanne Barcelo | Instagram

Ipinakita na ni Roxanne Barcelo sa unang pagkakataon ang buong mukha ng kaniyang anak na si baby Cinco. Ibinahagi niya ito noong nagdiwang sila ng first month ng kaniyang anak. Ipinanganak ni Roxanne sa baby Cinco noong May 22.


Image courtesy: Roxanne Barcelo | Instagram

Nakaraan lang ay ipinost ni Roxanne ang litrato ng kaniyang anak na si baby Cinco sa kaniyang Instagram account. Masisilayan dito ang iba’t ibang anggulo ni baby Cinco. Kalakip nito ang maikling mensahe na nagsasabing iyon nga ang first month o ikalimang linggo ni baby.


Image courtesy: Roxanne Barcelo | Instagram

Nitong nakaraan ay nagpost din si Roxanne Barcelo pagkatapos niyang manganak, ng litrato niya habang kalong-kalong niya ang kaniyang anak. Nakasaad dito na babawi muna siya ng lakas bago niya ikuwento ang mga pangyayari sa kaniyang pagbubuntis hanggang sa siya ay manganak.


Image courtesy: Roxanne Barcelo | Instagram

Dagdag pa niya na nagpapasalamat siya sa dahilang hindi niya hinaharap ang buhay na mag-isa. Nagpapasalamat siya sa kaniyang asawa na kahit kailangan nito ng pahinga at bakasyon ay mas piniling samahan siya at ang kanilang anak.


Image courtesy: Roxanne Barcelo | Instagram

May naging mensahe din ang aktres para sa kaniyang mga tagahanga. Matagal niya na raw hinihintay, ang maging isang asawa at maging isang ina na ngayon ay naging makatotohanan na. Dagdag niya pa na alam niyang hindi ito madali pero ito ay magiging worth it.


Image courtesy: Roxanne Barcelo | Instagram

Kung ating matatandaan ay noong April niya ibinahagi na siya ay nagdadalang-tao, apat na buwan mula noong sinabi niya na siya ay ikinasal na sa isang non-showbiz na personalidad. Pahayag pa niya na “Totoo pala ‘yong kasabihan na kung alam mo, alam mo”. At ang alam nga ni Roxanne noon ay para sa kaniya ang kaniyang asawa na ngayon ay hindi niya pa naisapupubliko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *