Niregaluhan ni Niño Muhlach ang kaniyang lalaking anak na si Sandro ng isang sasakyan na SUV

Bilang isang magulang ay gagawin nila ang lahat para sa kanilang mga anak upang mabigyan ito ng maayos na buhay. Lahat ng magulang ay kakayanin ang ano mang hirap at balakid upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang anak, lalong lalo na ang mabigyan ng maayos at tamang edukasyon.

Photo Courtesy: Niño Muhlach | Youtube


Photo Courtesy: Niño Muhlach | Youtube

Wala ng hihilingin pa ang isang magulang na makitang makapagtapos ang kaniyang mga anak. Para sa kanila ano mang hirap at pagod ang kanilang naranasan ay bale wala ang lahat ng ito kapag nakita nilang nakapagtapos na ang kanilang mga anak at magkaroon ng maayos na buhay.

Sabi nga nila, ang edukasyon ang pinakamahalagang maipapamana ng magulang sa mga anak na hindi makukuha ng kahit sino man.


Photo Courtesy: Sandro Muhlach | Instagram


Photo Courtesy: Sandro Muhlach | Instagram

Isa sa pinakamasayang magulang ngayon ay si Niño Muhlach na nakapagpatapos sa kaniyang anak na si Sandro Muhlach sa senior high school. Alam naman ng lahat na hindi madali ang mag-aral, kailangan mo ang sipag at tiyaga, determinasyon at pagsusunog ng kilay upang makapagtapos ka ng pag-aaral.


Photo Courtesy: Sandro Muhlach | Instagram


Photo Courtesy: Sandro Muhlach | Instagram

Kaya naman, sa sobrang tuwa ng kaniyang amang si Niño, bilang isang gantimpala sa nakamit ng kaniyang anak ay binigyan niya ito ng isang kakaibang regalo at ito ay bagong sasakyan na SUV, isang Geely Coolray Sport na talaga namang ikinatuwa ng kaniyang anak.


Photo Courtesy: Niño Muhlach | Youtube


Photo Courtesy: Niño Muhlach | Youtube

Dahil sa bagong achievement ni Sandro para sa kaniyang sarili ay talaga namang deserve niya ang regalong ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama.


Photo Courtesy: Niño Muhlach | Youtube

Umani ng napakaraming positibong komento ang nasabing post. Si Allessandro Martinno M. Muhlach o mas kilala bilang si Sandro Muchlach ay ang nag-iisang anak ni Nino Muchlach sa kaniyang asawang si Edith Millare. Siya ay ipinanganak noong Hunyo 14, 2001.


Photo Courtesy: Niño Muhlach | Youtube

Nagawa narin ni Sandro ang pagmomodelo ng mga kilalang brands tulad ng Casino Alcohol at BDO. Ngunit bago pa man ito lumabas sa mga patalastas ay naging isang theatre actor na ito mula noong siya ay 13 taong gulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *