Marami ng pinagsamahang pelikula at TV shows ang artista na sina Kathryn Bernardo at Lovely Abella. Ilan na dito ang “Barcelona”, “She’s Dating A Gangster” at ang isa pang blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye”. Dahil nga dito ay nabuo ang malalim na pagkakaibigan ng dalawa at ngayon ay itinuturi nila ang isa’t isa bilang pamilya.
Image source: Instagram/lovelyabella
Image source: Instagram/ilovekaye
Kaya naman hindi nakakapagtaka na nitong nakaraang linggo lamang ay naglaan ng panahon si Kathryn para surpresahin ang kaibigan na si lovely sa kaniyang kasal.
Image source: Instagram/ilovekaye
Ayon sa social media posts ni Lovely, laking pasasalamat niya sa kaniyang mga kaibigan dahil hindi niya lubos akalain na ang kaniyang kaibigan na si Kathryn Bernardo ang mismong magbibigay ng kaniyang wedding gown na isusuot sa kaniyang kasal.
Image source: Instagram/lovelyabella
Tila napakaswerte naman ni Lovely sapagkat bukod sa pagbili ni Kath ng kaniyang wedding gown ay sumama pa talaga ito papunta sa Couture Designer ni Lovely para siya mismo ang magbigay ng mga detalye sa kaniyang supresang wedding gown. Simple lamang ang disenyo nito subalit mukhang elegante at classic ang dating nito nang isuot na ni Lovely.
Image source: Instagram/lovelyabella
“Okay heto na, mabait talaga si Kath saksi ako sa lahat ng yan, at niregalo niya sa akin ang napakagandang wedding gown na suot ko kagabi na gawa ni @stephancouture, sabi ko My Ga (Kath) wag na, ako na, pero sabi niya regalo daw niya, wag tayong tumatanggi sa blessings. Yan ang natutunan ko kasi yan ang way nila to share their blessings at para lalo sila maBlessed. Kaya sabi ko buti NAIHABOL kasi 2 days na lang kasal ko na…”
Image source: Instagram/stephancouture
Noong una ay hindi makapaniwala si Lovely at sa katunayan ay tumanggi pa ito sa alok ng kaibigan. Ngunit sa huli ay tinanggap niya ito ng maluwag dahil dama niya ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kaniya ni Kathryn.
Image source: Instagram/bernardokath
Hindi nga maitago ang saya ng bride-to-be dahil halos lahat ay umayon sa plano nilang kasal na sampung araw lamang ang pinaghandaan. Kaya naman ganoon nalang ang pagpapasalamat niya sa lahat ng tumulong at dumalo sa espesyal na araw.
Image source: Instagram/lovelyabella
Image source: Instagram/lovelyabella
Sa kabila nito ay hindi maiwasang mayroong mga tao na pilit inaagawan ng ngiti ang mga nakikita nilang masaya at sa kaso nga ni Lovely, ilan sa mga netizens ay nag-komento na ginagamit niya lang si Kathryn bilang kaibigan upang mabigyan ng mga mamahaling gamit kagaya na lamang ng “bridal gown”.
Image source: Instagram/bernardokath
Kaya naman bumwelta ang aktres at ibinahagi kung anong klase ang kanilang pagkakaibigan ni Kathryn Bernardo.
“saksi ang aking mga kaibigan… kung gaano ako inalagaan ni Kath para gumanda ako sa mismong kasal ko, siya ang nag detalye ng Gown ko at talagang sinama niya si @janaranilla para icheck lahat kung okay sa akin, salamat sa time and effort Ga, humabol pa yan para lang makita niya yung fit sa akin at maganda sa akin kaya MY GA @bernardokath Thank you for everything, salamat sa mabuti mong pusp, di ko makakalimutan ang regalo mo at kung di dahil sayo, baka wala akong maisuot…”
Image source: Instagram/ilovekaye
Image source: Instagram/ilovekaye
Sa huli ay naging matagumpay ang kasal ni Lovely sa kaniyang asawa na si Benj Manalo noong January 2. Ito ay isang intimate garden wedding na gawa ng wedding organizer na Maxine Covar Events . Sa kanilang kasal ay dumalo mismo si Kathryn Bernardo na nakikitang umiiyak sa kanilang intimate wedding ceremony.
Image source: Instagram/bernardokath
Image source: Instagram/lovelyabella
Hindi nga mapagkakaila na naging matalik na magkaibigan ang dalawa dahil na rin sa dami ng kanilang mga proyektong pinagsamahan. Napaka swerte lamang talaga ni Lovely sapagkat napak thoughtful ni Kathryn Bernardo bilang isang kaibigan,