Niño Muhlach, binigyan ng mamahaling sasakyan ang kaniyang napaka poging anak na si Sandro Muhlach

Bukod sa napakagwapo ng anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach ay may potensyal pa ang batang ito na makilala o magkaroon ng magandang trabaho dahil hindi lamang looks ang namana niya sa kaniyang Ama dahil pa rin ang galing at sipag nito.


Image source: Instagram/oninmuhlach


Image source: Instagram/sandromuhlach

Kaya naman bilang reward ni Niño Muhlach ka Sandro ay niregaluhan niya ito ng isang mamahaling sasakyan para sa araw ng kaniyang Graduation at kaarawan.


Image source: Instagram/oninmuhlach

Sa kaniyang ibinahaging video sa social media ay makikita kung papaano niya pinaghandaan ang espesyal na araw para sa anak. Matapos niyang bumili ng sasakyan ay pinalinis agad ito sa “car wash station” malapit sa kanilang lugar at nilagyan pa ng “graduation cap” sa bubong nito. Ito kasi ang kaniyang birthday at graduation gift para sa panganay na anak na si Sandro.


Image source: Instagram/oninmuhlach


Image source: Instagram/sandromuhlach

Kasabwat sa surpresa ang kaniyang asawa at mga kasama sa bahay kaya naman paggising ng anak ay isang maliit na box ang iniaabot ni Niño kasabay ng almusal nito.


Image source: Instagram/oninmuhlach

Nang buksan ay nakita ni Sandro ang regalo ng kaniyang Ama na noong una ay inakala niyang simpleng keychain lamang ngunit hindi nagtagal ay napagtanto niya rin na susi pala ito ng isang sasakyan. Pinababa nga siya agad at nang makalabas sa kanilang apartment ay tumambad sa kaniyang harapan ang isang magarang sasakyan.


Image source: Instagram/oninmuhlach


Image source: Instagram/sandronmuhlach

Magkahalo ang emosyon ni Sandro at tila ba hindi pa ito makapaniwala sa nangyayari at paulit-ulit na nagtatanong kung totoo ba ito o baka naman prank at nirentahan lang talaga ng ni Niño Muhlach ang puting sasakyan. Ngunit sinigurado ni Niño na pagmamay-ari na ito ng anak at pinasubukan niya pa itong paandarin.


Image source: Instagram/oninmuhlach


Image source: Instagram/oninmuhlach

Sa ngayon ay 19-taong gulang na si Sandro at mas pinili niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral kaysa sundan ang yapak ng Ama kagaya ng kapatid niyang si Alonzo. At dahil nga maganda ang naging bunga ng kaniyang desisyon ay hindi na rin tumutol ang kaniyang Ama at sa halip ay mas lalo siyang sinuportahan at ngayon nga ay binigyan pa ng bonggang regalo.


Image source: Instagram/oninmuhlach

Grabe sobrang swerte naman ni Sandro sa kaniyang Daddy! Mapapa-sana all ka nalang talaga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *