Napakaswerte ng asawa ni JC Santos dahil sobrang hands-on daddy pala siya sa kaniyang anak na si Baby River

Bilang isa sa mga kilala at in-demand na aktor sa industriya ng showbiz ay talaga namang abala si John Carlo Abrugar Santos o mas kilala bilang JC Santos sa napili niyang karera at sinisigurado na nagagawa niya ng maayos ang kaniyang trabaho.


Image source: Instagram/j.c.santos

Kaya naman hindi nakakapagtaka na sunod-sunod ang mga proyekto na ibinibigay sa kaniya at sa halos lahat nga ng ginawa niyang pelikula ay nagkakaroon siya ng mga award at kaliwa’t kanan ang natatanggap na paghanga mula sa kapwa aktor at mga fans.


Image source: Instagram/j.c.santos

Nag-umpisa siyang magtrabaho noon sa Hongkong at Singapore bilang singer at dancer ngunit napag-desisyunan na umuwi ng Pilipinas at dito ipagpatuloy ang hilig sa pag-arte.


Image source: Instagram/j.c.santos

Hindi lang sa pagiging artista masipag ang aktor kundi lalo na sa pagiging Daddy niya sa anak nila ng asawa na si Shyleena Herrera.


Image source: Instagram/j.c.santos


Image source: Instagram/j.c.santos

Sa kaniyang mga Instagram posts ay makikitang madalas siyang maglaan ng panahon para maka-bonding ang anak sa kabila ng pagkakaroon ng busy na schedule.


Image source: Instagram/j.c.santos

May pagkakataon na kahit nagpapahinga ito at nanonood ng telebisyon ay siya pa rin ang nagbabantay sa anak. Isinasama niya rin si River sa pamamasyal kagaya na lamang ng pagbisita nila sa dagat kung saan ipinasubok niya sa anak ang paglalakad at pagtatampisaw sa dalampasigan. Maging sa kaniyang morning exercises ay hindi rin nawawala ang bungingis na si River.


Image source: Instagram/j.c.santos


Image source: Instagram/j.c.santos

Matatandaang pagpasok ng taong 2020 ay ginulat ni JC ang media nang mag-anunsiyo patungkol sa kaniyang pagpapakasal sa non-showbiz at childhood crush na si Shyleena Herrera noong September 2019. Kasunod nito ang pagbabahagi niya ng ilang larawan ng kanilang nakapa-cute na anak na binigyan nila ng pangalang River Altheia.


Image source: Instagram/j.c.santos


Image source: Instagram/j.c.santos

Aminado ang aktor na simula ng isilang ang kaniyang anak na si River ay mas lalo siyang nagkaroon ng paggalang sa kaniyang asawa at mga kababaihan lalo na sa mga single-mom.


Image source: Instagram/j.c.santos

Naranasan niya kasi kung gaano kahirap ang pag-aalaga ng bata dahil hands-on siya at katuwang ni Shyleena sa pag-aasikaso ng kanilang anak habang ito ay lumalaki.


Image source: Instagram/j.c.santos

Madalas siya rin ang nagbabantay kay Baby River kaya naman sobrang malapit ang bata sa kaniyang Ama. Kaya naman sobrang swerte ni Shyleena dahil bukod sa talentado na ang kaniyang asawa ay maaasahan pa pagdating sa pag-aalaga ng bata.

Tunay ngang isang huwarang ama si JC at ipinapakita lang na kahit gaano pa kaabala ang isang ama sa paghahanap-buhay ay dapat nagkakaroon pa rin ito ng panahon upang makasama ang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *