Nagkaroon man noon ng hindi pagkakaunawaan ay maganda na ang relasyon ngayon ng batikang aktres na si Jaclyn Jose at anak nitong si Andi Eigenmann.
Image source: Instagram/jaclynjose
Sa kaniyang Instagram post noong nakaraan ay pinuri pa nga niya si Andi at talaga namang ipinagsigawan sa buong mundo kung gaano siya ka-proud kung ano na ang buhay ngayon ng kaniyang anak.
Image source: Instagram/jaclynjose
Matatandaang marami ang nagtaas ng kilay nang talikuran ni Andi ang pagiging artista sa kabila ng kaliwa’t kanang offer sa kaniya at maging si Jaclyn ay hindi rin maiwasang mag-alala para sa magiging kinabukasan ng kaniyang anak.
Image source: Instagram/andieigengirl
Mas pinili kasi nito ang simpleng buhay at manirahan sa napaka-gandang isla ng Siargao dahil mas masaya siya sa ganitong klase ng buhay.
Image source: Instagram/andieigengirl
Sa paglipas ng panahon ay nakita ni Jaclyn na nakamit nga ni Andi ang tunay na kaligayahan sa partner nitong si Philmar kaya naman wala na siyang pagtutol at sa halip ay sinuportahan ang dalawa sa anumang desisyon ng mga ito.
Image source: Instagram/andieigengirl
Para kay Jacyln ay napakatapang sa buhay ni Andi dahil sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nito simula nang ipanganak ang panganay na si Ellie ay nanatili itong nakatayo at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa iba.
Image source: Instagram/jaclynjose
Hinangaan niya rin ang ipinakitang lakas ni Andi sa panganganak dahil parang wala itong iniinda kahit na tatlong araw siyang namalagi sa hospital.
“Anak hinahangaan kita sa kung meronn ka buhay ngayon… napakatapang mo, sana ako din…Ang ganda ng pag papalaki mo sa mga bata sorry sa lahat ng pagkukulang ko… Anak mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo. mag ingat palagi.”
Image source: Instagram/andieigengirl
Maliban dito ay natutuwa si Jaclyn dahil maayos ang pagpapalaki ni Andi sa kaniyang mga apo na sina Ellie, Lilo at Koa. Hindi nga niya maiwasang maging emosyonal at humingi ng tawad kay Andi sa lahat ng kaniyang pagkukulang bilang isang ina lalo na at maaga silang iniwan ng kaniyang ama na si Mark Gil.
Image source: Instagram/andieigengirl
Sa huli ay nabanggit ni Jaclyn kung gaano niya kamahal ang anak at wala siyang ibang hangad kundi ang kaligayahan nito.
Image source: Instagram/jaclynjose
Suportado niya rin ang pagpapakasal ni Andi kay Philmar at hindi na nga napigilang magbigay ng detalye patungkol dito. Ayon sa kaniya, plano ng dalawa na magpakasal sa susunod na taon at tiyak na mangyayari ito sa isla ng Siargao.
Image source: Instagram/andieigengirl
“It says a million why i like this guy… be merry and healthy i will always have your back… madami ako natutunan sayo and i am thankful to have a daughter who can make me bow in all her decision in life.”
Image source: Instagram/jaclynjose
Talaga namang bumabawi ngayon si Jaclyn kay Andi at ginagawa ang lahat upang maging “the best lola” kahit na abala rin siya sa mga proyekto bilang isang artista.