Napakalawak at mala-New Zealand ang dating ng Farm House ng aktres na si Bea Alonzo na matatagpuan sa Zambales. Taong 2011 nang mabili nila ang lupa sa tulong ng kaibigang aktres na si Ms. Isabel Rivas at binigyan nila ito ng pangalang “Beati Firma” na ang ibig sabihin ay “Blessed Farm”.
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Noong una ay nagdadalawang-isip si Bea kung kaya niya bang matutukan ang napakalawak na lugar na ito. Subalit mabuti na lamang at hands-on dito ang kaniyang ina na si Mommy Mary Anne at sa paglipas ng panahon ay talaga namang napaganda nila ang farm.
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Napapalibutan ng 5,000 mahogany tree ang paligid ng kanilang 16 hectares na lupa at ang ideyang ito ay nakuha nila sa kaibigang retired American army na naninirahan rin sa Zambales.
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Samantala, sa loob nito ay nagtanim sila ng mga mangga, kalamansi at iba pang namumungang puno upang maranasan ang pagkakaroon ng fresh harvest galing sa kanilang farm.
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Natutuwa nga si Bea dahil para bang naglalaro daw ang kaniyang ina ng “Farmville” dahil may tamang sukat ang agwat ng mga halaman dito.
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Hindi rin mawawala sa farm ang iba’t ibang hayop kagaya ng baka, tupa, bibe at baboy na walang ibang kinakain kundi mga organic foods. Mayroon ding palayan sa ibabang bahagi ng farm at dito nagmumula ang bigas na kanilang ginagamit.
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Ayon kay Bea, gusto nilang maging sustainable at all-natural ang farm kaya naman wala silang ginagamit na kemikal sa mga pananim at sa kanilang mga hayop na naninirahan dito.
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Nagpatayo rin ang aktres ng tatlong bahay sa loob ng kanilang farm at ang mga ito ay pinangalanan ng kaniyang ina. Basha ang tawag nila sa guest room, Santi naman ang bahay ng kaniyang Kuya at Mary ang main house kung saan nakatira ang kaniyang ina.
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Sa ngayon ay mayroon ng maliit na community dito dahil inuumpisahan na rin ang pagpapagawa ng bahay para sa team ni Bea at dito rin nakatira ang pamilya ng katiwala nila na si Kuya Dhoy.
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Masayang-masaya si Bea dahil napakaganda na ng lugar na noon ay walang tanim na puno kahit isa. Proud na proud din siya sa sipag at tiyaga na ipinakita ng kaniyang ina upang maisakatuparan ang pangarap nilang farm.
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Sa katunayan, noong nag-uumpisa pa lang ng construction ay tumira dito si Mommy Mary sa loob ng anim na buwan at nagtiis sa maliit na bahay kubo.
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Image source: Youtube/Bea Alonzo
Talaga namang napakagandang mag-invest sa isang farm o lupa sa probinsiya dahil maliban sa maaliwalas at magagandang tanawin ay dito mo rin matitikman ang mga preskong pagkain.