Minsan, hindi natin maiwasang balikan at tingnan ang mga larawan ng dating kilalang mga aktres at aktor sa mundo ng showbiz na kahit hanggang ngayon na may mga edad na sila ay talaga namang masasabi mong hindi parin kumukupas ang kanilang galing sa pag-arte.
Photo Grab/Source: Google
Kung nagagwapuhan at nagagandahan ka sa kanila ngayong may mga edad na sila, kamusta naman noong kabataan nila, na kung iyong makikita ay talagang masasabi mong maraming mga kalalakihan at kababaihan ang nahumaling at nabihag ng kanilang taglay na kagandahan at kagwapuhan.
Photo Grab/Source: Google
Isa na rito ang sikat at kilalang aktor na si Ronald James Gibbs o mas kilala ng lahat bilang si Ronaldo Valdez. Hindi lamang niya napahanga ang mga manunuod sa kaniyang kahusayan sa pag-arte, kundi pati narin sa taglay nitong kagwapuhan na talaga namang ikinagulat ng mga netizens.
Photo Grab/Source: Google
Hindi mo aakalain na si Ronaldo Valdez ay ganito pala kagwapo noong kabataan niya at nagawa pa siyang ihalintulad sa mga gwapo at sikat na mga aktor sa kasalukuyan na sina Ian Veneracion, Jestoni Alarcon at EJ Falcon.
Photo Grab/Source: Google
Photo Grab/Source: Google
Si Ronaldo Valdez ay ipinanganak noong Nobyembre 27, 1947 sa Sampaloc, Manila. Pinasok niya ang mundo ng showbiz taong 1996 kung saan ay talagang namayagpag siya ng mahigit limang dekada dahil sa kaniyang husay sa pag-arte.
Photo Grab/Source: Google
Para sa mga hindi pa nakakaalam, siya ay ama ng kilalang komedyanteng aktor at mang-aawit na si Janno Gibbs at Melissa Gibbs. Si Maria Fe Gibbs ang kaniyang maswerteng maybahay.
Photo Courtesy: Janno Gibbs | Youtube
Kung ating babalikan, ay matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mag-amang si Ronaldo at Janno Gibbs, na kalaunan ay naayos din naman. Bilang ama, ay talagang aminado rin si Ronaldo na may pagkakamali siya, dahilan na kailangan niyang humingi ng kapatawaran sa kaniyang anak.
Photo Courtesy: Janno Gibbs | Youtube
Dagdag pa ng aktor, na hindi ibig sabihin na matanda siya at siya ang ama ay kailangang siya na ang palaging tama at hindi na maaaring magkamali.