Nito lamang mga nagdaang mga buwan ay madami tayong mga magandang balita na narinig mula sa ating mga idolo sa mundo ng showbusiness. Tulad na lamang nina Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil alam naman natin na nag-proposed na ang aktor para sa kanyang matagal nang kasintahan at mahal sa buhay na si Carla.
Image courtesy: Carla Abellana | Instagram
Image courtesy: Carla Abellana | Instagram
Walang humpay na paghihintay ang ginawa ng mga netizens at tagahanga kung kailan ba gaganapin ang pinakahihintay na araw na kung saan ay magsusumpa na ang dalawa sa isa’t-isa.
Image courtesy: Carla Abellana | Instagram
Natunghayan natin sa mga dumaan na mga taon ang walang kupas at hindi mapantayang pagmamahalan ng dalawang artista sa isa’t isa. Madalas tayo pakiligin ng mga ito sa tuwing haharap sila sa kamera.
Image courtesy: Carla Abellana | Instagram
Kung kaya madami sa mga netizens ang gusto na sila ay magkatuluyan. Hindi naman nabigo ang mga netizens na ito dahil matapos ang pagpropose ng aktor sa aktres ay meron na silang petsa at venue kung saan gaganapin ang isa sa mga pinakahihintay ng lahat at ito ay ang kasal.
Image courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Ang petsa at venue ng kasal ay ibinahagi ng isang simbahan na kilala sa tawag na Parokya ni San Guillermo. Ito ay gaganapin ngayong taon sa eksaktong petsa ng Oktubre 23 sa Madre De Dios Chapel sa Tagaytay, Midlands.
Image courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Madami sa mga netizens ang nakakita sa anunsyo na ito at ikinatuwa dahil malapit na ang pinakahihintay nilang araw. Ang iba naman ay nagpahatid na agad ng kanilang pagbati sa dalawang artista at mayroon pang nagsaad na silang dalawa ay ang kanilang mga paboritong real life couples.
Image courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Sa katunayan ay matagal na palang nagproposed ang aktor sa aktres at ito ay naganap noong Oktubre 2020 pa ngunit pinanatili nila itong pribado hanggang sa inanunsyo lamang nila ito nitong taon lamang.
Image courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Gayunpaman ay marami ang masaya na sa wakas ay mag-iisang dibdib na ang dalawa matapos ang matagal nilang pagiging magkasintahan.