Nakapundar ng Dream House ang Mag-asawang ito dahil sa kanilang Online Negosyo

Noong una, marami sa atin ang nahihiya o di kaya naman ay medyo may alinlangan sa pagtitinda ng kung anu-ano online ngunit simula nang magkaroon ng pandemya at karamihan sa mga empleyado ay nabakante sa trabaho, muli na namang naging popular ang ganitong uri ng negosyo. Sa katunayan, maraming kwento ang nagpapakita na malaki rin ang kikitain sa pagbebenta online lalo na kung marunong kang dumiskarte.

Isa na nga dito ang mag-asawa na hinangaan ng publiko dahil nakapagpatayo sila ng dream house sa pamamagitan ng kita mula sa kanilang online business!


Image source: Facebook/ceejay ponce

Sa social media post ng netizen na si Ceejay Ponce ay ibinahagi niya ang ilang larawan ng kanilang dream house na talaga namang simple ngunit maganda. Ayon kay Ceejay, lahat ng ito ay bunga ng online negosyo nila ng asawa niyang si Mylene.


Image source: Facebook/ceejay ponce

Nagsimula silang mag-bake ng mga pastries noong magkaroon ng pandemya at ibinebenta nila ito online. Masaya ang mag-asawa dahil marami ang tumangkilik sa kanilang negosyo at talaga namang nagustuhan ng mga netizens ang produkto na gawa nila.


Image source: Facebook/ceejay ponce

Hindi nga nagtagal ay nakapag-ipon ang mag-asawa at nagdesisyon silang gamitin ito para makapagpagawa ng sarili nilang konkretong bahay. Katuwang nila ang kanilang magulang at ilang miyembro ng pamilya sa prosesong ito kaya naman hindi na sila nagbayad pa ng labor.


Image source: Facebook/ceejay ponce

Habang abala ang kaniyang ama at pinsan sa paggawa, ang kaniyang ina naman ang siyang bahala sa pagbili ng mga materyales at pagsiguro na matapos ang bahay ng naayon sa gustong disenyo nina Ceejay. Kaya naman, lubos ang pasasalamat niya sa mga ito dahil hindi na nila kailangang itigil ang negosyo online habang ipinapagawa ang bahay.


Image source: Facebook/ceejay ponce

Ayon pa kay Ceejay, maliit man ang bahay na naipundar nila kumpara sa dream house ng mga bigating online seller ay abot-langit na ang kanilang saya dahil batid niyang wala naman iyon sa laki ng tahanan kundi sa kung papaano ito mapapanatiling maayos at masaya ang pagsasama nila bilang pamilya.


Image source: Facebook/ceejay ponce

Image source: Facebook/ceejay ponce

Sa katunayan, maliit lamang ang kanilang ipinatayong bahay subalit napakacute ng disenyo nito at naging maaliwalas tignan ang kanilang tahanan. Ayon kay Ceejay, katuwang niya ang kaniyang pinsan sa pagtatayo ng kanilang bahay dahil hindi rin sila kumuha ng mga trabahador upang makamenos gastos.


Image source: Facebook/ceejay ponce

Image source: Facebook/ceejay ponce
Image source: Youtube/ceejay ponce

“Ang aming tahanan sa bukid. Ang ganda ng isang bagay ay hindi nasusukat sa garbo o laki nito kundi sa kalinisan at kaayusan nito ganoon din sa kabutihang puso ng mga naninirahan dito.”, pagbabahagi ni Ceejay sa kaniyang Youtube channel.


Image source: Facebook/ceejay ponce

Image source: Facebook/ceejay ponce

Image source: Facebook/ceejay ponce

“Kaya kung may pangarap kang magkabahay, walang imposible, sipag at tiyaga samahan mo lagi ng dasal, umpisahan paunti-unti ng ipon dahil wala naman nag-umpisa sa malaki.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *