Nakapagpundar na si Nash Aguas ng napakagandang bahay sa Las Vegas Nevada

Bata palang tayo, marami na tayong mga pinapangarap sa buhay. Mga bagay na gusto nating makuha at marating. Gagawin ang lahat para makamtan ang lahat ng ito at maipalasap at maibigay sa mga mahal natin sa buhay. Minsan nga binibigyan pa natin ng time frame ang ating sarili.


Image Courtesy: Nash Aguas | Instagram

Isa na rito ang napakapoging si Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas o mas kilala ng lahat bilang si Nash Aguas. Alam naman natin na sa murang edad ay maagang pinasok ang mundo ng showbiz industry.


Image Courtesy: Nash Aguas | Instagram


Image Courtesy: Nash Aguas | Instagram

Akalain mo nga naman, dahil sa kaniyang sipag, tiyaga at determinasyon sa kaniyang ginagawa ay nakabili siya ng kaniyang sariling bahay sa Las Vegas, Nevada sa edad na 20 taong gulang.


Image Courtesy: Nash Aguas | Instagram

Ang lahat ng ito ay dahil sa kaniyang pagtitiyaga sa trabaho, pagiging masinop, madiskarte, at magaling sa paghawak ng pera na ngayon ay masayang nakikita ang naging bunga ng kaniyang pinaghirapan.


Image Courtesy: Nash Aguas | Instagram

Dahil na rin sa kaniyang ina na tumulong at nagtiwala sa kaniya upang makamit ang tagumpay sa buhay. Sa edad na limang taong gulang ay sinabak na ni Nash ang kaniyang sarili sa pag-arte sa isang noontime show na MTB, pagkatapos nito ay sumali siya sa isang contest na Batang F4.


Image Courtesy: Nash Aguas | Instagram

Noong taong 2004 ay sumali siya sa isang talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest na kung saan ay naiuwi niya ang titulong Grand Kid Questor at special awards na Darling of the Press. Atin ding napanuod ang aktor sa Goin’ Bulilit.


Image Courtesy: Nash Aguas | Instagram

Isa siya sa nagboses sa pangunahing tauhan na si Joey Jones sa Tagalog-dubbed version anime series na Heroman. Sa mga nagdaang taon ay naging magkatambal sila nina Alexa Ilacad na kung saan ay nagkasama sila sa Sunday teen sitcom na Luv U. Ilan lamang ito sa mga nagawa niyang palabas.


Image Courtesy: Nash Aguas | Instagram

Mayroon rin siyang boy band group na kilala sa tawag na Gimme 5. Sa ngayon ay masaya na siya sa kaniyang buhay pag-ibig. Naging magkasintahan sila ni Mika Dela Cruz simula noong October 20, 2018

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *