“mas madali kung pareho kayo may sariling pera” Neri Miranda, nagbahagi ng advice tungkol sa pagkakaroon ng sariling ipon

Sino sa mag-asawa, sino nga ba sa dalawa ang may karapatang humawak at mamahala o mangangasiwa sa pera ng mag-asawa? Iba-iba ang opinyon ng bawat mag-asawa pagdating sa kung sino ang may karapatang humawak at mangasiwa ng pera.

Image courtesy: Neri Naig/Instagram

May mga sitwasyon na kung saan ay napagkakasunduan at napag-uusapan na ng mag-asawa na hindi nila papakialaman ang pera o kinikita ng bawat isa.


Image courtesy: Neri Naig/Instagram

Ngunit may kaakibat sa bawat isa na tungkulin o responsibilidad na kung saan napagkasunduan na nila at napag-usapan kung sino sa kanila ang gagastos para sa kanilang pagkain, sino ang magbabayad ng kuryente at tubig at minsan kung may mga anak na sila ay kung sino ang magbabayad at gagastos ng school fee ng kanilang mga anak.




Image courtesy: Neri Naig/Instagram

Ngunit mayroon namang mag-asawa na kung saan ay napagkasunduan na tanging ang ilaw ng tahanan ang siyang hahawak o mag mamanage ng pera dahil ayon naman sa kanila mas matalinong humawak ng pera ang mga babae.


Image courtesy: Neri Naig/Instagram

Ngunit ayon naman kay Neri Miranda, ay mas maganda na parehong ang mag-asawa ang hahawak ng pera. Dahil para sa kaniya ay mas madali na kung pareho kayong mag-asawa ay may hawak na sariling pera at hindi kayo hahantong sa isang sitwasyon na kung saan ay pag-aawayan niyo ang pera.


Image courtesy: Neri Naig/Instagram




Ibinahagi rin ni Neri ang kanilang sitwasyon o naging karanasan ni Chito pagdating sa paghahawak ng pera. Sinabi ni Neri na si Chito ang siyang humahawak ng pera nito na kaniyang kinikita sa kaniyang pagbabanda at maging sa negosyo nito.


Image courtesy: Neri Naig/Instagram

Nagbigay rin ng payo si Neri na kung saan ay mas maganda at mabuti kung pareho kayong mag-asawa ay may sariling pinagkikitaan. Si Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda ay ipinanganak noong Setyembre 7, 1985.




Image courtesy: Neri Naig/Instagram

Samantalang si Alfonso “Chito” Y. Miranda Jr. ay ipinanganak naman noong Pebrero 7, 1976. Dalawang beses na ikinasal sina Naig at Chito Miranda. Ang una ay civil ceremony noong Disyembre 13 at sumunod naman na araw ginanap ang kanilang pormal na kasal sa Tagaytay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *