Marami sa mga artista sa panahon ngayon ay maagang nagsimula sa kanilang karera sa showbusiness sa kadahilanang malaki ang potential ng mga batang ito sa industriya dahil sa kanilang angking talento at ganda ng pisikal na anyo.
Photo courtesy: Anne Curtis | Instagram
Marami sa kanila ang nagtutuloy-tuloy ang karera hanggang sa kanilang pagtanda dahilan upang makaipon sila ng sapat para sa kanilang kinabukasan at maging para sa kanilang pamilya na malaki ang naitutulong upang magbigay ng sapat na pambuhay.
Photo courtesy: Anne Curtis | Instagram
Tulad na lamang ni Anne Curtis na alam naman natin na sa murang edad ay nagsimula na siyang tahakin ang industriya ng pag-aartista.
Photo courtesy: Anne Curtis | Instagram
Dahil sa kaniyang angking ganda at galing sa pag-arte nagtuloy-tuloy ang pag-usbong ni Anne sa mundo ng showbusiness. Ganoon siguro talaga kapag mahal mo ang iyong ginagawa o napiling propesyon, talagang hindi ka nito lalayuan at mas patuloy na lalapit sayo ang mga proyekto.
Photo courtesy: Anne Curtis | Instagram
Ayon sa isang interview kay Anne, ang kaniyang talent fee noon ay 1,200 pesos lamang noong siya ay labindalawang taong gulang pa lamang. Hindi siya humahawak ng kaniyang sahod noon at tanging ang kaniyang mga magulang ang naghahandle ng kaniyang pera noon.
Photo courtesy: Anne Curtis | Instagram
Nang siya ay tumungtong sa edad na 18 years old, doon pa lamang siya pinahawak ng kaniyang pinaghirapan na pera at bago pa man siya tumuntong sa hustong edad ay naturuan na diumano siya ng kaniyang mga magulang kung paano humawak ng pera sa wastong paraan.
Photo courtesy: Anne Curtis | Instagram
Dagdag pa ni Anne, nang siya ay pumasok pagiging isang negosyante, ang kaniyang hangarin ay sundin ang kaniyang pangarap na business at makagawa ng sariling brand upang mabigyan ang kaniyang kapwa Pilipino ng magandang kalidad na produkto at sakto sa budget.
Photo courtesy: Anne Curtis | Instagram
Ito ang pahayag ni Anne at payo sa kaniyang mga kapwa, “When you become a little bit more mature, you realize that you really have to have a back-up plan, a business, because being in this industry will not be forever.”
Photo courtesy: Anne Curtis | Instagram
Patunay lamang na talagang madiskarte nga ang ating iniidolo na si Anne Curtis pagdating sa paghandle ng pera.