Isa si Morisette Amon sa pinaka maswerteng singer sa industriya ng Showbiz sapagkat kahit napakarami ng kaniyang sinalihang singing contest noon ay naka-jackpot siya sa “The Voice Philippines” ng napakaraming proyekto mula ng makilala siya dito.
Image source: Instagram/itsmorisette
Sa kasalukuyan ay maganda ang takbo ng kaniyang karera at sa wakas ay natupad na ang matagal niyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay para sa pamilya.
Image source: Instagram/itsmorisette
Umabot man ng halos sampung taon bago ito natapos ay walang mapagsidlan ang saya si Morissette dahil nakita niya ang bunga ng pinagpaguran sa loob ng isang dekada.
Image source: Instagram/itsmorisette
Ang pagpapagawa niya ng bahay na ito ay isang paraan upang magbigay pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kaniya simula sa simula.
Image source: Instagram/itsmorisette
“…I hesitated sharing about this before because I wanted to keep it private, but I also realized how hard my family and I worked for this to happen.. despite everything that’s going on, I decided to finish our dream house in honor of my family and how they’ve supported me in my career for about a decade.”, kwento ng singer.
Image source: Instagram/itsmorisette
“My 10 years in the industry wasn’t an easy ride, and all that I have now defintely didn’t happen overnight. I guess I just also wanted to share this to remind everyone that if we want something to happen, we really gotta work hard for it…” dagdag ng singer.
Image source: Instagram/itsmorisette
Nag-aalangan man noong una ay nagdesisyon si Morissette na ituloy ang pagbabahagi ng ilang larawan ng kaniyang “dream house” sa social media upang magsilbing inspirasyon sa mga netizens na hindi imposible ang pag-abot natin sa ating mga pangarap.
Image source: Instagram/itsmorisette
Image source: Instagram/itsmorisette
Ayon pa sa singer, taon rin ang kaniayng binilang upang maisakatuparan ito at ika nga niya ay walang “overnight success” kaya naman kailangan mong magsipag at gumawa ng mga hakbang na magiging daan sa iyong tagumpay.
Image source: Instagram/itsmorisette
Image source: Instagram/itsmorisette
“…Nothing worth having comes easy.’ But don’t forget to also experience and enjoy life while you’re at it.. It’s all about balance, patience, determination, and faith. – 2 Chronicles 15:7, thank You Jesus,” payo nito sa mga netizens.
Image source: Instagram/itsmorisette
Sinong mag-aakala na ang dating batang singer na ito na nangangarap lamang na sumikat at makilala ay naabot na lahat ng kaniyang pangarap dahil kaniyang tiyaga kahit ilang beses na itong nadapa sa laban ng buhay.
Image source: Instagram/itsmorisette
Image source: Instagram/itsmorisette
Tunay ngang mas malayo ang mararating natin sa buhay kung pagyayamanin natin ang talento na sa atin ay bigay ng Maykapal