Misis ng Isang Construction Worker, Nakaipon ng pampatayo ng bahay gamit ang 50 pesos ipon challenge

Marami sa ating mga kababayan ang nahihirapang umasenso sa buhay hindi dahil sa kakulangan ng pagkakakitaan kundi dahil sa kawalan ng mainam na kaalaman kung papaano ang tamang pag-budget ng pera. Ang ilan ay mas nauuna pang bilhin ang mga bagay na hindi naman mahalaga kaysa sa pag-iipon upang maabot ang minimithing ginhawa.

Kaugnay nito iba’t-ibang “ipon challenge” ang naglabasan sa social media kasabay na rin ng pagpasok ng bagong taon. Maraming netizens ang gumawa ng nasabing challenge at ipinakita ang kani-kanilang tagumpay sa pag-iipon ng pera.


Image source: Facebook/Kember Flores Casabuena

Isa na rito ang viral misis ng isang construction worker na matapos maging masinop ay nakapag-ipon ng sapat na pera para makapagpagawa ng sarili nilang tahanan!


Image source: Facebook/Kember Flores Casabuena

Siya ay nakilala bilang si Kember Flores Casabuena at madalas nasa loob lang siya ng bahay dahil wala naman siyang trabaho. Samantala, ang asawa naman niyang si Alphie Castante Olvis ay nagtatrabaho bilang isang construction worker.


Image source: Facebook/Kember Flores Casabuena

Hindi man ganoon kalaki ang kinikita ni Alphie, nangangarap pa rin silang mag-asawa na balang araw ay magkakaroon din sila ng maayos na bahay at kahit papaano ay umasenso sa buhay. Kaya naman, nang mapanood ni Kember ang isang segment sa “Kapuso Mo Jessica Soho” patungkol sa “ipon-challenge” ay agad niya itong sinubukan at ginawa ang “invisible 50-pesos challenge”.


Image source: Facebook/Kember Flores Casabuena
Image source: Facebook/Kember Flores Casabuena
Image source: Facebook/Kember Flores Casabuena

Sa ganitong paraan ng pag-iipon, anumang mahawakan mo na 50 pesos ay hindi mo dapat gastusin at sa halip ay agad mong ilalagay sa iyong alkansiya.


Image source: Facebook/Kember Flores Casabuena

Noong una ay nahihirapan si Kember sa ganitong gawain lalo na kapag dumadating sa pagkakataon na nagigipit ang kanilang budget ngunit sa halip na sumuko ay ipinagpatuloy niya ito lalo na at suportado rin siya ng kaniyang asawa.
Image source: Facebook/Kember Flores Casabuena

Hindi nagtagal ay napuno na nila ang lalagyanang kahon ng lumang sapatos kaya naman kinailangan nilang ilipat ang mga naipong pera sa isang timba ng pintura. Nang magdesisyon nga silang buksan ang alkansiya ay laking gulat nila sa dami nito at nang bilangin ay sapat na para sa planong nilang pagpapagawa ng bahay.


Image source: Facebook/Kember Flores Casabuena
Image source: Facebook/Kember Flores Casabuena

Ang kwentong ito ng mag-asawa ay isang magandang paalala sa ating lahat na sa malaki o maliit man nating kita mula sa ating hanap-buhay, meron at meron pa rin tayong pwedeng maitabi at maipon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *