Dahil sa kaniyang mga kwelang vlogs at nakakatawang mga memes ay sumikat at nakilala sa buong Pilipinas ang vlogger/fashionista na si Mimiyuuuh na ngayon ay mayroon ng mahigit.
Image source: Instagram/Mimiyuuuh
Maraming netizens ang natutuwa sa kaniyang mga ginagawa at likas na katangian sa pagpapatawa kaya naman hindi nakakapagtaka ang mabilisang pagdami ng kaniyang mga subscriber na ngayon ay umaabot na sa humigi’t kumulang 3.8 milyon!
Image source: Instagram/Mimiyuuuh
Hindi nga maikakailang malaki na rin ang kaniyang kinita sa piniling karera at kamakailan lamang ay nagdesisyon itong bumili ng sasakyan para sa kaniyang pamilya. Ito ang isa sa mga pangarap niyang maibigay lalong-lalo na sa mga magulang dahil gusto niyang maginhawa ang pagbabyahe ng mga ito.
Image source: Instagram/Mimiyuuuh
Image source: Instagram/Mimiyuuuh
Ayon kay Mimiyuuh, mula raw noon ay hindi nila naranasan na magkaroon ng kotse kung saan madalas ay nag-aarkila lamang ang mga ito upang mayroong masakyan.
Image source: Youtube/Mimiyuuuh
“Gusto ko lang din maging comfortable ang kanilang pagta-travel”, kwento niya sa kaniyang vlog.
Image source: Youtube/Mimiyuuuh
Bumisita ang komedyante sa Toyota Bicutan at doon binili ang napakagandang Toyota Hiace Super Grandia Elite na isang 10-seater van na saktong-sakto para sa kaniyang malaking pamilya. Ang magandang features ng kaniyang nabiling sasakyan ay adjustable ang mga upuan nito at pwedeng maitaas-baba ang patungan ng mga paa para maging komportable sa byahe.
Image source: Youtube/Mimiyuuuh
Image source: Youtube/Mimiyuuuh
Mangiyak-ngiyak nga sina Tatay Amadz at Nanay Bheng nang ipakita ni Mimiyuuuh ang sorpresang kotse na naka-garahe sa labas ng kanilang bahay. Agad nila itong ginamit para ma-test drive at sa sobrang tuwa ay gusto na agad umuwi ni Nanay Bheng sa Bicol.
Image source: Youtube/Mimiyuuuh
Samantala, pagbebenta ng mga damit sa Baclaran ang naging hanapbuhay noon ng mga magulang ni Mimiyuuuh upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan kaya naman ngayon na siya na ang kumikita ay nais niyang maibigay ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanila bilang ganti sa mabuting pagpapalaki ng mga ito.
Image source: Youtube/Mimiyuuuh
Image source: Youtube/Mimiyuuuh
Naisip niya na bigyan ang kaniyang mga magulang ng isang sasakyan na kakasya ang kaniyang buong pamilya upang sa tuwing sila ay mag bakakasyon ay komportable ang mga ito at hindi maramdaman ang pagod sa byahe.
Image source: Youtube/Mimiyuuuh
“If you are watching right now and ito ang dream mo, you is just getting there. Don’t stop striving… You know what I’m sayin’? You gonna skrrt skrrt on that wheels really soon, so let’s get it!”, payo ni niya sa kaniyang mga viewers.
Image source: Youtube/Mimiyuuuh
Image source: Youtube/Mimiyuuuh
Matatandaan na noong nakaraang taon ay bumili rin si Mimi ng bahay para sa kaniyang pamilya at talaga namang unti-unti ng natutupad ang kaniyang mga pangarap na binuo sa pamamagitan ng sipag at determinasyon.