Megastar Sharon Cuneta, ibinahagi ang natutunan na 10 Money Lesson mula ng siya ay nagsimula sa kaniyang karera sa buhay

Bata pa lang ay marami ng natutunan ang aktres na si Sharon Cuneta at malaking tulong ito para makamit niya ang tagumpay sa buhay. Dahil dito ay patuloy siyang nagiging inspirasyon sa publiko lalo na pagdating sa tamang paghawak ng pera maging sa mga diskarte na kailangan mo kapag gusto mong mag-negosyo.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Narito ang sampung mga investment at saving tips na ibinahagi niya sa kaniyang Youtube channel:

1. Saving should always be a top priority

Ayon kay Sharon, pinaka-mahalaga sa lahat ang mayroon kang naitatabing pera mula sa kinikita mo sa loob ng isang araw o sa isang buwan. Sa ganitong paraan ay nababayaran mo ang sarili mula sa pagod na iginugol mo sa pagtatrabaho.

Sabi nga ni Megastar, makikilala mo kung mayaman ang isang tao depende sa ipon niya at hindi sa halaga ng kaniyang kinikita.

2. Don’t invest your money if you don’t know anything about the business

Mahirap ipagkatiwala sa ibang tao ang perang pinaghirapan mo lalo na kung wala kang kaalam-alam kung papaano nila ito ginagamit sa negosyo. Marami na ang nabiktima ng ganitong gawain tulad nalang ng mga magigiting nating OFW na walang ibang hangad kundi ang mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Kapag papasok sa isang negosyo, siguraduhin na may alam ka dito o di kaya naman ay willing kang mag-hire ng mga experts na tutulong sayo.

3. You’re not wasting money when you rent

Naranasan din ni Megastar na mag-rent ng condo unit noon kasama ang kaniyang anak na si KC Concepcion. Para sa kaniya, hindi ito pagtatapon ng pera dahil nagbabayad ka para sa pansamantalang tirahan habang nag-iipon para sa dream house mo.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

4. But having a property to call your own is the best investment

Sa kabila nga nito ay alam ni Sharon na ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay isa sa pinaka-best investment na maari mong paglaanan ng iyong pera. At kahit gaano pa ito kaliit, kung sama-sama kayong mag-anak sa paggawa ng paraan ay tiyak na mapapalaki niyo ito at pwede pang pagkakitaan.

5. Teach your kids to work hard for their money

Bata pa lang ay alam na si Sharon ang kahalagahan ng pera at itinuro sa kaniya ng kaniyang mga magulang kung papaano ito kitain sa paraan na kaya niya. Ganito rin ang ginawa ng Megastar sa kaniyang mga anak dahil alam niyang isa ito sa mga paraan para matutunan nila na hindi biro ang kumita ng pera at dapat itong pahalagahan.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

6. The most stable business for Megastar is food, shelter and clothing

Sa dami ng negosyo na sinubukan ni Sharon, napatunayan niya na ang mabenta ay ang mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng tirahan, pagkain at damit. Kaya naman isa sa negosyo na pinasok at pinalago niya ay ang real estate business.

Kung pagkain naman ang pipiliin mong negosyo, dapat marami kang oras para dito dahil madetalye at mabusisi ang paghahanda ng pagkain. Pwede ding buy and sell ng mga damit ang gawing negosyo at pwedeng-pwede ito sa mga busy mommies na stay at home lang.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

7. Always start small

Huwag maging padalos-dalos sa pag-invest ng pera at mag-umpisa muna sa mababang halaga. Ayon sa Megastar, sa ganitong paraan ay mas marami ka pang pwedeng subukang investments at kung hindi man magtagumpay ang isa ay hindi ito gaanong magiging masakit dahil kaunting halaga lang ang nawala sayo at mayroon ka pang mga reserbang investments.

8. There’s “good” utang and “bad” utang

Sabi ng iba masama ang umutang ngunit para sa aktres, mayroong dalawang klase ng utang at pwede itong maging “good” or “bad” depende kung saan mo gagamitin ang hiniram na pera.

Halimbawa kung kumuha ka ng bank loan para sa negosyo or dream house mo, isa itong “good utang” pero kung gagamitin mo lang naman ang loan para sa mga luho tulad ng mamahaling gamit na ipagyayabang mo sa social media ay isa itong “bad utang”.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

9. Donate to a cause

Natutunan ng aktres na mas masaya ang buhay kapag alam mo kung papaano magbigay sa ibang tao lalo na sa mga nangangailangan. Hindi rin siya nakakalimot na ibalik ang “Tithes” na ibinibigay niya sa simbahan. Naniniwala ang Megastar na lahat ng natatanggap niyang blessing ay mula sa Diyos at ang pagbabalik ng tithes ay isang paraan ng pagsunod sa kaniyang mga utos.

10. Spend money on your loved ones

Ang pinaka-huli pero isa sa pinaka-mahalagang tip ni Shawie ay ang paggastos ng maayos para sa pamilya. Sinisigurado ng aktres na naibibigay niya ang mga pangangailangan ng kaniyang mag-anak at kung maari ay nagbabakasyon sila out of town or abroad para makapag-bonding.


Image source: Instagram/reallysharoncuneta

Para kay Sharon, mahalaga ang paglalaan ng pera sa pamilya upang mas lalong tumibay ang kanilang pagsasama. Naniniwala siya na sa huli ay sila rin ang hahanapin mo kapag ikaw ay nasa banig ng karamdaman at hindi ang mga investments mo tulad ng properties at mamahaling gamit.

Talaga namang nakaka-inspire ang mga tips na ito at siguradong effective lalo na at napatunayan na ito sa buhay ni Megastar Sharon Cuneta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *