Mahigit tatlong taon na rin ang nakakalipas nang ikasal ang aktres na si Maxene Magalona sa long-time boyfriend nitong si Robby Mananquil na gitarista ng local band na “Pulso”. Ginanap ang kanilang intimate wedding sa Boracay noong 2018 at marami ang hindi maiwasang magtanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaroon ng anak.
Image source:Instagram/maxenemagalona
Bilang lumaki sa mundo ng showbiz ay alam ni Maxene na hindi siya titigilan ng publiko lalo na ng mga kritiko hangga’t hindi siya nagsasalita hinggil sa tanong ng mga ito kaya naman minabuti niyang mag-post sa social media at ipaliwanag ang tunay na dahilan.
Image source: Instagram/maxenemagalona
“Truth be told, I was really hesitant to get pregnant because of my mental health condition.”, matapang na pagbabahagi nito.
Image source: Instagram/maxenemagalona
Matapos ang ilang taong pagpapasuri sa mga eksperto ay napag-alaman ng aktres na mayroon siyang tinatawag na “Complex Post Traumatic Stress Dis0rder” o mas kilala bilang C-PTSD. Ito ay isang psychological dis0rder na maaaring mabuo makalipas malantad ang tao sa nakaka-trauma na pangyayari.
Image source: Instagram/maxenemagalona
Ito ang kasalukuyang nararanasan noon ni Maxene kaya naman pinagpaliban niya muna ang pagdadalang tao upang hindi raw maapektuhan ng kaniyang kondisyon ang magiging anak nila ni Robby kaya naman sa ngayon ay prioridad niya muna ang pagaayos ng sarili.
Image source:Instagram/maxenemagalona
“I was scared that I might just end up passing on my traumas and projecting my negative emotions onto my children.”, pag-aamin ng pa ni Maxene.
Image source: Instagram/maxenemagalona
Sa kasalukuyan ay namamalagi ang aktres kasama ang asawang si Robby sa Bali, Indonesia upang sumailalim sa meditation at yoga training.
Image source:Instagram/maxenemagalona
“As a trauma survivor, I have to do a lot of inner work such as yoga, meditation, breathwork and journaling to be able to release the effects of the traumatic events that have happened in my life.”, dagdag pa ng aktres.
Image source: Instagram/maxenemagalona
Maliban dito ay gusto rin nilang maging isang professional yoga instructor upang kung loloobin ng Panginoon na sila ay magka-anak ay maipapasa nila ang magandang kaalaman sa mga ito.
Image source: Instagram/maxenemagalona
Matapos nga ang ilang buwang pamamalagi sa Bali ay malaki ang ipinagbago sa panlabas at panloob na pangangatawan ni Maxene at marami ang nagsasabi na pumayat daw ito kumpara sa dating katawan na meron siya noong aktibo pa bilang artista.
Image source: Instagram/maxenemagalona
Image source: Instagram/maxenemagalona
Healthy living na rin ang mag-asawa at araw araw na nagyoyoga bilang kanilang daily routine para sa mas healthy body and lifestyle.