Parehong kilala sa mundo ng show business sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Talaga namang matagumpay sila sa kani-kanilang karera at hindi matatawaran ang suporta na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga fans.
Image source: Instagram/matteog
Ganoon pa man, mas pinili ng dalawa na gawing pribado sa kanilang relasyon upang maprotektahan ito sa mga negatibong tao at sa mga taong pilit silang pinaghihiwalay.
Image source: Instagram/matteog
Sa katunayan, ang kanilang kasal ay nakaplano rin na maging isang “intimate wedding” kasama ang malalapit na pamilya at walang media ngunit dahil sa pagtutol dito ng ina ni Sarah ay hindi naiwasang ito ay maging kontrobersiyal at mapag-usapan ng publiko.
Image source: Instagram/matteog
Mahigit isang taon na rin ang nakalilipas simula ng magpakasal ang dalawa sa Victory Church sa The Fort Taguig City noong February 2020 at bilang celebrasyon ay nagtungo sina Sarah at Mateo sa Coron, Palawan kasama ang kanilang pamilya.
Image source: Instagram/matteog
Samantala, kahit na lumagay na sa tahimik ay hindi pa rin nawawala sa mag-asawa ang pagbabahagi ng ilang parte ng kanilang buhay sa social media na talaga namang ikinatuwa ng kanilang mga fans.
Image source: Instagram/matteog
Sa katunayan, noong nakaraang linggo ay ibinahagi ni Matteo sa kauna-unahang pagkakataon ang ilang larawan na nagpapakita ng kanilang ginawang after-wedding celebration na naging matagumpay sa tulong ng kanilang malalapit na kaibigan.
Image source: Instagram/matteog
Sa Instagram post ng aktor ay makikitang nakasuot siya ng puting uniform bilang reserve Philippine army habang inaayos ng aktres ang kaniyang badge. Si Sarah naman ay kumikinang ang natural na ganda sa suot nitong simpleng white dress.
Image source: Instagram/matteog
Image source: Instagram/matteog
Hindi nabanggit kung saan ginanap ang post-wedding photoshoot ngunit pinasalamatan ni Matteo ang mga taong nasa likod nito. Una na dito ang kaibigan nilang si Liz Uy na nagsilbing make-up artist at ang celebrity-photographer na si Pat Dy.
Image source: Instagram/matteog
Maliban dito ay mayroon ding mga larawan na nagpapakita kung gaano kasaya ang dalawa sa kanilang camp fire experience na para bang nagsisimbolo ng kanilang mainit na pag-ibig para sa isa’t isa.
Image source: Instagram/matteog
Kaya naman hindi mapigilan ng mga netizens na kiligin lalo na at napaka-sweet ng mga titig ni Matteo sa kaniyang asawa na si Sarah.
Image source: Instagram/matteog
Kasabay ng mahabang Instagram post ng aktor ay sinabi nitong proud na proud siya kay Sarah sa lahat ng kaniyang ginagawa lalo na sa katatapos lamang nitong virtual Tala concert na talaga namang inabangan at pinanood ng marami.
Image source: Instagram/matteog
Sa sobrang tuwa ay hindi nga napigilan ni Matteo na mapasabay sa Tala dance ni Sarah habang ginagawa ang kanilang post-wedding photoshoot.
Image source: Instagram/matteog
Talaga namang nakakakilig ang mag-asawang Matteo at Sarah na hanggang ngayon ay walang kupas ang pagmamahalan sa isa’t isa. Kaya naman hindi maiwasang maitanong ng publiko kung kailan ang balak nilang magkaroon ng anak.