Marami tayong mga hinahangaan at sinusubaybayang mga artista dahil sa kanilang taglay na kagandahan, kagwapuhan at ganda ng pangangatawan. Kaya naman hindi natin maikakaila na e-follow sila sa kanilang mga social media account upang makita at malaman kung ano na ang kaganapan sa kanilang mga buhay.
Image courtesy: Sheena Halili | Instagram
Isa sa mga sikat at hinahangaang artista sa mundo ng showbiz si Sheena Halili na talaga namang hindi maikakaila ang kaniyang kagandahan at ganda ng pangangatawan. Kung ating babalikan, ibinahagi ni Sheena ang kaniyang post-pregnancy photo noong Pebrero 22, makalipas ang ilan buwan ng kaniyang panganganak. Kaya naman ay inulan ito ng mga papuri mula sa kaniyang mga tagahanga, malalapit na kaibigan at maging mula kaniyang mga kamag-anak.
Image courtesy: Sheena Halili | Instagram
Image courtesy: Sheena Halili | Instagram
Kapansin-pansin parin ang ganda ng hubog ng kaniyang pangangatawan sa kabila ng kaniyang panganganak. Nag-post ang aktres ng larawan na kung saan ay kasama niya ang kaniyang anak at ginagawa ang isa sa mga duty ng isang ina at ito ay ang pamamasyal.
Image courtesy: Sheena Halili | Instagram
Image courtesy: Sheena Halili | Instagram
Ang nasabing larawan ay may kalakip na kapsyon na nagsasaad na mag-momorning stroll sila ni baby Martina at dagdag pa niya ay hindi niya na kailangan pang mag-alala para sa anak kahit na lumabas sila, sumakay sa elevator at maging sa pagpunta sa doctor dahil alam niyang si baby Martina ay protektado at ligtas sa loob ng isang tila cocoon na stroller.
Image courtesy: Sheena Halili | Instagram
Dahil sa kaniyang napakasimpleng suot ay talagang kapansin-pansin parin at talagang lumutang ang kaniyang angking kaseksihan at kagandahan na talagang aakalain mo na hindi umano ito dumaan ng panganganak.
Image courtesy: Sheena Halili | Instagram
Kaya naman, ang nasabing larawan ay umani nang napakaraming papuri mula sa mga netizens, tagahanga at maging sa malalapit na kaibigan ni Sheena sa showbusiness. Si Sheena Yvette Castro Halili o mas kilala ng lahat bilang si Sheena Halili ay ipinanganak noong Enero 16, 1987 sa San Fernando, Pampanga.
Image courtesy: Sheena Halili | Instagram
Noong Agosto 26, 2018 ay na-engaged sa kaniyang kasintahang abogado na si Jeron Manzanero at noong Pebrero 23, 2020 ay ikinasal ang dalawa. Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga at noong Disyembre 13, 2020 ay kaniyang ipinanganak si Martina.