Masayang ibinalita ng celebrity couple na sina Joyce Pring at Juancho Triviño na sila ay ganap nang magulang

Ang pagiging magulang ay hindi madaling gampanan. Kailangan ay handa tayo sa magiging responsibilidad na ating haharapin. Walang katumbas ang kasiyahan kapag nalaman mo na ikaw ay magiging magulang na, lalo na’t kapag lumabas na ito sa iyong sinapupunan.


Image Courtesy: Joyce Pring / Instagram

Ito nga ay ganap na naranasan na ng TV host na si Joyce Pring Triviño at ng kaniyang asawa na si Juancho Triviño na isang aktor. Isinilang na ni Joyce ang kanilang unang anak noong July 02 at ibinandera nila ang magandang balita na ito sa kanilang Instagram account.

Image Courtesy: Joyce Pring / Instagram

Alonso Eliam ang naisip nilang ipangalan sa kanilang unang anak na lalaki. Ipinost naman ni Joyce Pring Trivino ang litrato ng kamay ng kaniyang anak na si Alonso sa kaniyang Instagram account kasama ang mahabang mensahe.


Image Courtesy: Joyce Pring / Instagram

Ilan rito ay ang “Sa wakas dumating kana, duyan-duyan sa aking mga kamay, pagkuha sa aming hininga ng iyong ama sa iyong paggalaw at sa lahat ng iyong ginagawa”. Dagdag pa rito na mahal na mahal siya ng kaniyang mga magulang na sina Joyce Pring at Juancho Triviño. Nagpapasalamat din sila sa kanilang anak dahil sila raw ay naging pinakamasayang magulang at pinagmamalaki nila ang kanilang anak.


Image Courtesy: Juancho Triviño / Instagram

Ibinihagi naman ni Juancho Trivino na nasaksihan niya ang lahat ng nangyari sa panganganak ng kaniyang asawa simula sa delivery hanggang sa masilayan at mahawakan na niya ang kaniyang baby Alonso.


Image Courtesy: Joyce Pring / Instagram

Sabi niya “Ito yong pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman dati”. Dagdag niya pa “Noong narinig ko ang aming anak na umiiyak sa unang pagkakataon at hawakan siya sa aking mga bisig sa unang pagkakataon” iyon yong pakiramdam na hindi niya pa nararamdaman dati.

Iyong saya, galak, at pagkasabik na pakiramdam na sabay-sabay mong nararamdaman. Nagpapasalamat din siya sa Diyos para sa lahat at higit sa lahat ang regalo na buhay. Nagpapasalamat din siya sa mga dasal simula pa noong nagbubuntis pa lamang si Joyce.


Image Courtesy: Juancho Triviño / Instagram

Ang pagkakaroon ng anak ay talaga nga namang hindi mo maipapaliwanag ang iyong mararamdaman. Basta ang alam mo ay mahal na mahal mo ang sanggol na hawak mo na kahit unang beses mo pa lamang siya makita ay kaya mo na agad ibigay sa kaniya ang lahat pati na rin ang buhay mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *