‘Masaya kahit magulo’, ito ang sitwasyon sa bahay nina Iya Villania habang inaalagaan ang 4 na anak kasabay ang trabaho

Hindi matatawaran ang saya ng pagiging isang magulang at ito nga ang isa sa mga inaasam-asam na maranasan ng ilan sa ating mga kababayan. Ito ay sa kabila ng mga hirap na maaring pagdaanan sa panganganak at pagpapalaki ng mga bata.




Sa katunayan kahit mga iniidolo nating artista at kilalang celebrities ay nakakaranas din ng ganitong challenges bilang isang magulang. Kaya naman natutuwa tayo sa tuwing ibinabahagi nila ang kanilang mga kwento at karanasan sa social media.

Tulad nalang ng host at celebrity mom na si Iya Villania. Lubos siyang hinahangaan ng mga netizens dahil nakakaya niyang pagsabayin ang trabaho at pagiging isang full-time mom. Mas lalo pang nadagdagan ang trabaho ni Iya dahil kamakailan lang ay ipinanganak niya rin ang ika-apat nilang anak ni Drew Arellano!

Hindi maiiwasan na maging magulo at makalat ang loob ng bahay lalo na kapag sabay-sabay na naglalaro ang mga anak. Dagdagan pa ito ng minsang pag-aaway at pag-aagawan nila ng mga laruan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay sinusubukan ni Iya na maging kampante at unawain ang bawat sitwasyon na nangyayari sa kanyang mga anak na halos sunod-sunod lang din ang edad.





.
Samantala, isa pa sa napansin ni Iya sa mga bata ay ang pagiging malambing ng mga ito lalo na sa kaniya. Sa tuwing mayroon nga siyang oras pagkatapos ng trabaho ay agad na nagkukumpulan ang mga anak at yayakapin siya o di kaya naman ay sasakay sa kaniyang likuran.

“Where the parents are, the children follow.”, caption ito sa kanilang napaka-cute na Instagram photo.

Ganoon pa man, gustong-gusto ito ni Iya kahit na pagod siya sa pagtatrabaho, dahil para sa kaniya minsan lang ang ganitong pagkakataon at hindi naman habangbuhay ay bata ang kaniyang mga anak. Hands on din ito sa pag-declutter ng kaniyang bahay kahit halos minu minuto raw ay makalat ito dahil sa kanilang mga laruan.



Isang technique ni Iya para hindi ito mangamba at may free will na maglaro ang mga bata, ang kaniyang ginagawa ay talagang nagchildproof ito sa kaniyang bahay para sa ganoon ay safe ang kanilang area.

Sinuulit nga ni Iya at Drew ang mga panahon na kasama at nakikita nilang lumalaki ang mga bata dahil sa ganitong paraan ay mas nagagabayan din nila ito ng maayos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *