Good vibes ang hatid ni Mary Pacquiao sa kaniyang mahigit 1 milyon subscribers matapos nitong pagbigyan ang hiling ng mga netizens na gawin niya ang 24-hour Tagalog Challenge habang ipinapakita ang kanilang walk-in closet.
‘
Image source: Instagram/marypacquiao
Sa challenge na ito ay walang ibang sasabihin si Mary kundi puro salitang Tagalog lang habang ginagawa ang mga bagay na gusto niya sa loob ng isang araw. Aminado siya na hindi ito ganoon kadali dahil hindi siya sanay sa pagsasalita ng Tagalog.
Image source: Instagram/marypacquiao
Image source: Instagram/marypacquiao
Madalas kasi ay English o Bisaya ang ginagamit nilang lenggwahe sa loob ng bahay lalo na kapag kausap niya ang kaniyang pamilya. Sa kabila nito ay hindi siya nag-atubili na pagbigyan at pasayahin ang kaniyang mga tagahanga. Ipinakita niya na kaya niya itong gawin sa tulong na rin ng kaniyang nakababatang kapatid na si Queenie.
Image source: Instagram/marypacquiao
Magkasama sa iisang kwarto ang dalawang magkapatid at unang ibinahagi ni Mary ang kanilang napakagandang walk-in closet. Makikita dito na talaga namang naka-organize ang kanilang mga damit depende sa okasyon kung kailan ito ginagamit.
Image source: Instagram/marypacquiao
Nakahiwalay ang kanilang mga jaket, pantalon, t-shirts at mga blouse kung saan may kaniya kaniyang drawers ang mga ito.
Image source: Instagram/marypacquiao
Mayroon namang ibang lalagyan ang mga dress na ginagamit nila kapag magsisimba pati na rin ang kanilang mga school uniforms. Nandoon din sa loob ng closet ang isang maliit na box at dito nakalagay ang mga pantali nila sa buhok.
Image source: Instagram/marypacquiao
Image source: Instagram/marypacquiao
Quick closet tour lamang ang ginawa ni Mary subalit mapapansin na parang mala-department store ito dahil na rin sa bright white lights at magandang tiles ng kanilang banyo.
Image source: Instagram/marypacquiao
Naglibot-libot rin si Mary sa loob ng kanilang bahay at kapansin-pansin ang kaniyang mabuting pag-uugali dahil magalang siya sa pakikitungo nito sa kanilang mga kasambahay.
Image source: Instagram/marypacquiao
Samantala, mapapansin rin sa kaniyang vlog ang magandang interior design ng kanilang sala kung saan siya tumambay sandali para mag-picture taking. Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Mary patungkol dito dahil nakalaan sa Youtube channel ng kaniyang Mommy Jinkee ang paggawa ng “house tour vlog”.