Markus Paterson, Ibinahagi ang saya sa pagiging isang Ama at kung bakit mas motivated siya mag-trabaho ngayon

Noong nakaraang taon ay laman na ng usap-usapan ang magkasintahan na sina Markus Paterson at Janella Salvador dahil sa pagkakaroon nila ng anak. Matagal ding nanahimik ang dalawa at mas pinili ang pribadong buhay sa ibang bansa. Ngunit ngayon ay handa na silang pag-usapan ang kanilang bagong buhay bilang isang pamilya.


Image source: Instagram/markus

Sa katunayan, mismong si Markus Paterson ang nag bahagi sa hirap at ligaya na kaniyang nararamdaman ngayong mayroon na siyang pamilya na kailangang alagaan.


Image source: Instagram/markus

“All we wanted lang naman was to cherish the first few moments with him.”, pagpapaliwanag ni Janella kung bakit sa una ay hindi nito ibinahagi sa publiko ang kanilang anak.


Image source: Instagram/markus

Aminado sina Markus at Janella na hindi biro ang panibagong yugto sa kanilang buhay ngunit dahil dito ay mas lalo nilang nakilala ang kanilang sarili at nakita kung ano ang mga bagay na pwede nilang magawa para mabigyan ng magandang kinabukasan ang isang bata na sa kanila ay ibinigay bilang blessings ni Lord.


Image source: Instagram/superjanella
Image source: Instagram/superjanella

Sa kabila nga ng pagod at puyat na kanilang nararanasan ay mababakas sa kanila ang saya ng pagiging isang magulang na hindi mapapantayan ng anumang bagay.


Image source: Instagram/superjanella

“Talagang lahat ng priorities ay nagle-level up na talaga. Like everything that I thought was a big deal before really isn’t now dahil lahat it’s for him na eh. It’s for my little boy,” kwento ni Markus habang nasa isang press conference para sa bago nitong proyekto na “Hello Stranger: the Movie”.


Image source: Instagram/markus

Mas ganadong magtrabaho ngayon ang aktor dahil inspirasyon niya ang anak nila ni Janella at ito ang dahilan kung bakit maganda ang gising niya kahit madalas na napupuyat sa pag-aalaga kay Baby Jude.


Image source: Instagram/markus
Image source: Instagram/superjanella

“Professionally, I feel like it’s leveled up na two times dahil mas motivated na ako magtrabaho… Everything is challenging coming into this life. Siguro ‘yung tulog. The catching sleep for a couple of months. Pero as soon as I wake up and I see his face, parang nawawala talaga ang pagod ko”, dagdag pa nito.


Image source: Instagram/superjanella
Image source: Instagram/markus

Masaya sa pakiramdam para kay Markus ang maging isang Ama sapagkat nagkaroon ito ng inspirasyon at motibasyon para mas ayusin ang kaniyang buhay at work sa industriya. Kaya naman kahit naging laman sila ng balita noon dahil sa mga chismis na kumakalat ay worth it naman ang lahat ngayon dahil sa kanilang baby Jude.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *