Talagang namang ultimate grand vacation ang ginawa ng pamilya nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa Spain kasama ang kanilang mga anak matapos ang mahabang pangangampanya at halalan noong nakaraang May.
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Ito ang naging celebrasyon at pahinga ng dalawa para sa kanilang trabaho at para na rin sa bagong experience ng kanilang dalawang anak.
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Napag pasyahan ng mag asawa na ipasyal sa ibang bansa ang kanilang dalawang anak na si Isabella at Garbriela pati na din ang mga lolo at lola nito lalo na at nagsimula ng magbukas ang mga tourist spots doon.
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Matapos nga nilang bumoto at mangampanya noong eleksyon ay kahit na hindi nila kasabay si Robin papuntang ibang bansa ay nauna na sina Mariel at ang mga bata upang makapag enjoy.
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Agad na ibinahagi ni Mariel sa kaniyang Instagram account ang kanilang grand vacation mula sa pagsakay nila ng eroplano hanggang pagdating doon.
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Mapapansin ang magarang bakasyon nilang pamilya sapagkat naka business class ang kanilang tickets papuntang Spain maging ang kanilang mga anak. Doon din nila ipinagdiwang ang ika 77th birthday ng lola ng aktres.
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Mapapansin din sa bawat post niya sa kaniyang Instagram account ang nag gagandahang damit na kaniyang suot na umani ng paghanga sa kaniyang taga-subaybay dahil ang classy ng dating ng kaniyang mga outfits.
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Halos araw araw silang pumupunta sa mga amusement parks doon dahil ito raw ang hiling ng kaniyang mga anak. Kaya naman sobrang enjoy na enjoy ang mga bata sakanilang bakasyon sa Spain dahil malayang malaya silang mamasyal ng mask-free doon.
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
“My ulirang moment! This trip is for my kids so everyday we go from one theme park to another. I was not prepared for a water ride. Isabella badly wanted to ride this one… daig ko pa ang Aegis na basang basa sa ulan! As in talagang shower na matindi… shampoo na lang ang kulang!! Of course i had extra clothes for Isabella from panty to socks complete because OA momako hahahha but for me… nothing!!… linaban ko sa basa ang chanel sneakers ko! Its a tie! hindi ko na siguro ma live selling ito kasi na haggard ng mabuti…”, ito ang nakakatawang caption ni Mariel sa kaniyang Instagram post.