Mariel Padilla, ibinahagi kung ano ang naging sikreto sa kaniyang successful weight loss journey

Matapos manganak sa kaniyang pangalawang baby ay kapansin-pansin ang mabilis na pagdagdag sa timbang ng dating “It’s Showtime” host na si Mommy Mariel Padilla. Madalas itong mapansin ng mga netizens sa kaniyang mga social media post maging sa regular vlogs na ginagawa niya sa sarili nitong Youtube channel.


Image source: Youtube/Mariel Padilla

Ganoon pa man, hindi nababahala si Mariel sa kaniyang kalagayan kahit na umabot siya sa pinaka-mabigat niyang timbang na 197 pounds o umaabot sa halos 90 kilos.


Image source: Youtube/Mariel Padilla

Sa katunayan ay siya na mismo ang pumapansin sa kaniyang timbang bago pa man maunahan ng mga bashers. Ayon sa kaniya, masarap talagang kumain lalo na at hangad niyang maibigay lahat ng sustansiya sa kaniyang breastfeeding baby na si Gabriela.


Image source: Instagram/marieltpadilla

Bago pa man magkaroon ng mga anak ay plano na ni Mariel na isang taon siyang magbibigay ng gatas sa mga anak at ito nga ang kaniyang ginawa simula sa panganay niyang si Isabella.


Image source: Youtube/Mariel Padilla

Noong nakaraang taon ay natupad na niya ang hangaring ito at unti-unting siyang tumigil sa pagbibigay ng gatas kay Gabriela.


Image source: Youtube/Mariel Padilla

Inihanda niya rin ang sarili sa pagbabawas ng timbang at aminado siyang hindi naging madali ang unang mga linggo ng kaniyang weight-loss journey lalo na at celebrasyon noon ng Pasko at Bagong Taon.


Image source: Youtube/Mariel Padilla

Ganoon pa man, nakahanap siya ng mabisang paraan para mabawasan ang taba sa katawan at ito ay sa pamamagitan ng pagkain ng wasto at pagdidiyeta. Inamin rin ni Mariel na siya ay kumuha ng nutritionist upang mas magkaroon siya ng kaalaman tungkol sa tamang pagkain.


Image source: Youtube/Mariel Padilla

Naging pescatarian siya kung saan gulay at isda lamang ang kaniyang kinakain upang makabawas timbang. Gumagamit siya ngayon ng steamer at blender upang makagawa ng mga vegetable salads at healthy juices na masarap at mainam sa kaniyang pangangatawan.


Image source: Youtube/Mariel Padilla


Image source: Youtube/Mariel Padilla

Sa katunayan, nagustuhan rin ito ng kaniyang Mister na si Robin Padilla at hinahanap-hanap ang kaniyang Kani salad with dried seaweeds na madalas niyang kainin sa tuwing siya ay nagdidiyeta.


Image source: Youtube/Mariel Padilla


Image source: Youtube/Mariel Padilla

Sa pamamagitan nga ng ganitong istilo sa pagkain ay nabawasan si Mariel ng 42 pounds o humigi’t kumulang 20 kilos sa loob lamang ng tatlong buwan.


Image source: Youtube/Mariel Padilla

Kaya naman kitang-kita ang pagliit ng kaniyang mukha at katawan na siyang ikinatuwa ng kaniyang mga taga-hanga. Sa kabila nito ay hindi pa rin tumitigil si Mariel sa pagdidisiplina sa kaniyang sarili pagdating sa wastong pagkain na sinasabayan niya rin ng tamang ehersisyo.


Image source: Youtube/Mariel Padilla


Image source: Youtube/Mariel Padilla

Nais niya kasing mabawasan pa ng 20 o 25 kilos at ma-achieve ang dating katawan kung saan nakakapag-suot siya ng small o medium na size ng mga damit.


Image source: Instagram/marieltpdilla


Image source: Instagram/marieltpadilla

Talaga namang disiplina at masusing paghahanda ang iyong kailangan upang ang tamang timbang ay makamtan kagaya na lamang ng ginawa ni Mommy Mariel Padilla na nagsilbing inspirasyon sa mga netizens na gusto ring mapabuti ang kanilang pangangatawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *