Maja Salvador, Ipinakita ang loob ng kaniyang mamahaling customized Van

Abala sa kaniyang kaliwa’t kanang taping at rehearsals ang aktres at dancer na si Maja Salvador kaya naman madalas ay nasa labas siya ng bahay at nasa byahe. Dahil dito, nagdesisyon siyang bumili ng sariling sasakyan na magagamit niya sa trabaho at upang maging komportable ang kaniyang pagbyahe.




Image source: Instagram/iammajasalvador

Nauuso ngayon ang tinatawag na “Artista Van” o ang mga malalaking sasakyan na madalas ay pinapa-customized ng mga artista base sa gusto nilang laman nito sa loob. Ito rin ang naisipang bilhin ni Maja at dahil plano niya itong gamitin para sa ginagawa nilang pelikula na “Arisaka” ay binigyan niya ng pangalan ang van na “Ari”.


Image source: Instagram/iammajasalvador


Image source: Instagram/iammajasalvador

Sa kaniyang ginawang Youtube vlog ay makikita ang dating disenyo ng naturang sasakyan kung saan mukha itong pampasaherong van ngunit talaga namang naiba ang ganda nito matapos ang isang buwan na pag-aayos.





Image source: Instagram/iammajasalvador

Ipinagkatiwala ng aktres ang pagpapaganda ng kaniyang van sa Tuned In Style, isang kumpanya na bihasa sa pag-customize ng mga sasakyan. Sa sobrang ganda ng kinalabasan ay okay lang kay Maja na hindi niya ito nagamit sa taping ng nasabing pelikula dahil sa tagal ng pag-aayos dito.


Image source: Instagram/iammajasalvador

Mayroon itong fully-automated powerful captain seats na maaring ma-adjust upang gawing higaan. Maroon din itong heater at ang pinaka-gusto ng aktres sa lahat ay pwede din itong gamitin bilang massage chair.


Image source: Instagram/iammajasalvador



Image source: Instagram/iammajasalvador

Aminado si Maja na madalas siyang magpamasahe upang ma-relax ang katawan matapos ang masigasig na pagi-ensayo at mga eksena sa pelikula, kaya naman malaking tulong sa kaniya ang van na ito.


Image source: Instagram/iammajasalvador

Mayroon din itong 32 inches na smart TV na ginagamit ni Maja upang makapag-relax sa byahe at minsan ay dito na din niya pinapanood ang mga dance steps na kailangan niyang pag-aralan.


Image source: Instagram/iammajasalvador

Samantala, sa likurang bahagi ng driver ay mayroong maliliit na drawer kung saan nakalagay ang mga gamit ng aktres at mayroon din itong sliding window na maaring isara upang magkaroon si Maja ng privacy.


Image source: Instagram/iammajasalvador

Isa pa sa ikinakatuwa ng aktres ay ang mataas na bubong ng sasakyan dahil nakakatayo siya sa loob nito at maaring dito na rin magbihis kapag kinakailangan. Nagpalagay rin siya ng mga pa-ilaw sa itaas na bahagi ng sasakyan upang makadagdag sa ganda nito.



Image source: Instagram/iammajasalvador


Image source: Instagram/iammajasalvador

Talaga namang bonggang-bonga ang bagong sasakyan ngayon ni Maja Salvador at maliban sa trabaho ay magagamit niya rin ito upang maging komportable ang pamamasyal sa malalayong lugar dito sa bansa.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *