Sabi nga sa isang popular na kanta, “Magtanim ay ‘di biro, maghapong nakayuko. Di man lang makaupo, di man lang makatayo..”. Sadyang mahirap ang trabaho ng mga magsasaka at halos buong taon ay abala sila sa paghahanda ng lupa hanggang sa pagtatanim at pag-aani ng kanilang mga produkto. Maraming pagsubok rin ang kanilang sinusuong lalo na at paiba-iba ang takbo ng panahon.
Sa katunayan, may mga pagkakataon na nalulugi ang kanilang negosyo dahil sa mapanalasang bagyo o di kaya naman ay mga peste sa halaman. Ganoon pa man, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nagtitiyaga sa ganitong trabaho lalo na iyong mga lumaki sa pamilya ng magsasaka.
Image source: Facebook/Kapuso mo, Jessica Soho
Isa na nga dito ang pamilya nina Aling Helen. Ayon sa ibinahagi niyang kwento sa kilalang TV show na “Kapuso Mo Jessica Soho”, pareho sila ng kaniyang asawa na nanggaling sa pamilya ng magsasaka at ito lang ang alam nilang gawin.
Image source: Facebook/Kapuso mo, Jessica Soho
Minsan ay nangungutang sila ng pera para makapagtanim ng pakwan at kapag naibenta, nagkakaroon sila ng pambili ng bigas at bagoong na siyang madalas nilang ulam. Mahirap man, ay tuloy pa rin silang mag-asawa sa pagsasaka at lubos na nagtitiwalang dito rin sila pagpapalain ng Panginoon. Ngunit tila ba mailap sa kanila ang swerte sa ganitong negosyo dahil makailang ulit na silang nalulugi at sunod-sunod nang pinapalayas sa kanilang nililipatang tirahan dahil wala silang maibigay na bayad sa renta.
Image source: Facebook/Kapuso mo, Jessica Soho
“Umutang ako ng 50,000 pesos para makapagtanim ng Indian mango at pakwan na siya naming ibabagsak sa Maynila. Pero hindi kumita kasi marami ang nagtitinda ng mangga at tinatapon nalang ‘yung Indian mango kasi nabulok na. Umuwi kami ulit ng Aklan at nanghiram ulit ng P300,000 sa mga kaibigan ko. Pinambili ko ‘yun ng binhi at pataba. Doon sa unang-unang tanim namin, kumita sana kami ng 1.2 million pesos pero binagyo lahat ng tanim namin at nawasak pa ‘yung bahay namin. Ubos lahat talaga,”, detalyadong pagkukwento ni Aling Helen.
Image source: Facebook/Kapuso mo, Jessica Soho
Ngunit sa kabila ng mga pinagdaanang bagyo ng buhay patuloy pa rin ang mag-anak sa pagsusumikap at mas lalo pang pinagbuti ang pagsasaka. Hindi nagtagal ay unti-unti silang nakabangon sa negosyo at hindi nila namalayan na sila na pala ang tinaguriang pangunahin at pinakamalaking supplier ng pakwan sa buong Aklan. Sa ngayon ay nakapagpatayo na ng mansyon ang pamilya ni Aling Helen at nakabili rin ng iba’t-ibang mamahaling sasakyan.
Image source: Facebook/Kapuso mo, Jessica Soho
Image source: Facebook/Kapuso mo, Jessica Soho
“Hindi porket magsasaka tayo, dito na lang tayo sa lupa. Kailangan isipin natin na aasenso tayo!”, payo niya sa kapwa magsasaka.
Image source: Facebook/Kapuso mo, Jessica Soho
Wala ngang kahit anong bagyo ang kayang makapagpatigil sa taong pursigido sa pag-abot ng tagumpay na ninanais niya sa buhay. Ang success story nito ni Aling Helen ay isang halimbawa na kapag mayroon kang itinanim ay mayroong aanihin. Samahan lang natin ng sipag, tiyaga at pagdadasal!