Lyca Gairanod, Ibinihagi kung gaano siya ka-close at ka-sweet sa kaniyang lola na 86 years old na

Talento sa pagkanta ang isa sa mga puhunan ng batang singer na si Lyca Gairanod upang maabot ang kaniyang pangarap na maka-ahon sa hirap ng buhay at maibigay ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.


Image source: Instagram/lycagairanod.1

Kaya naman sa murang edad na sampung taong gulang ay sumabak na siya sa mga auditions at mapalad namang nakapasok sa kauna-unahang season ng “The Voice Kids Philippines” kung saan namayagpag ang kaniyang karera.


Image source:Instagram/lycagairanod.1

Kaya naman hindi maitago ang kaniyang saya dahil natupad kaagad ang pangarap hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa buo niyang pamilya. At ngayon na maganda ang takbo ng kaniyang karera ay hindi siya nakakalimot na lumingon sa mga taong naging inspirasyon niya kagaya na lamang ng kaniyang lola na malapit na malapit sa kaniyang puso.


Image source:Youtube/lycagairanod

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng matanda ang kaniyang ika-86 na kaarawan kaya naman naghanda ng kaunting surpresa ang batang singer.


Image source: Youtube/lycagairanod

Sa tulong ng kaniyang nakatatandang kapatid ay bumili si Lyca ng cake at dumaan din sa isang tindahan upang maghanap ng ireregalong damit para sa kaniyang pinaka-mamahal na lola.


Image source: Youtube/lycagairanod


Image source: Youtube/lycagairanod

Sa kaniyang Youtube vlog ay makikitang simple lang ang naging pagdiriwang ng espesyal na araw ni Lola ngunit ramdam mo kung gaano siya kasaya sa ginawang ito ng kaniyang apo.


Image source: Youtube/lycagairanod


Image source: Youtube/lycagairanod

Sa katunayan ay agad niyang binuksan ang regalo at isinuot ang damit na saktong-sakto lang sa kaniya. Hindi man makapagsalita ng diretsong tagalog ay lubos siyang nagpapasalamat dahil malakas pa ang kaniyang katawan sa kabila ng katandaan at ang tanging hiling nga sa kaniyang kaarawan ay humaba pa ang kaniyang buhay at masilayan pa ang mga apo niya.


Image source:Youtube/lycagairanod


Image source: Youtube/lycagairanod

Kahit na yumaman at sumikat na si Lyca ay hindi pa rin niya nakakalimutan na balikan ang kaniyang pinanggalingan, bagkus mas ibinubuhos pa niya ang lahat ng kaniyang kakayanan para maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya.


Image source: Youtube/lycagairanod

Nakakatuwa lang na sa murang edad ay makikita mo ang pagmamahal ng isang apo sa kaniyang lola kahit na ito ay may ka-edaran na. Godbless Lyca for being a good daughter!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *